2nd day ng COC filing, matumal – Comelec

Taliwas sa nangyari sa first day of filing ng mga kandidato, naging matumal ngayon ang pagpapatala ng certificate of candidacy sa Commission on Elections (Comelec) main office.

Pero sa kabila nito, nakaantabay pa rin ang mga tauhan ng Comelec Law Department sakaling may maghain ng COC.

Kahapon, 14 ang nagfile ng COC sa pagkapangulo, tatlo ang pagkasenador habang wala pang naghahain para sa pagkabise presidente.

Una ng sinabi ni Comelec spokesman James Jimenez na sa mga susunod na mga araw pa aasahan ang paghahain ng mga kilalang kandidato.

Samantala, umabot na sa  24 partylist groups ang naghain na ng certificate of candidacy sa Comelec.

Kabilang sa mga nag-file ay ang grupong Diwa, Bigkis, Aasenso Ka at Tsinoy na kumakatawan umano sa Filipino-Chinese community.

Ab Workouts

Leave a comment

0 Comments.

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.