3 Indians patay, 4 sugatan sa vehicular accident

CAUAYAN CITY, Isabela – Dead on the spot  ang tatlong Indian nationals matapos bumangga ang sinasakyan nilang Strada pickup sa kasalubong na Dagupan bus sa national highway sa Malalam, Ilagan, Isabela kagabi.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, kinilala ni PO2 Inocencio Cabalongga, imbestigador ng PNP Ilagan ang mga nasawi na sina Kumar Sandip, Sanggit Sharma, 22, nakapag-asawa ng isang Pilipina sa Carpintero, Tumauini, Isabela at Jojinder Singh, 30, nakatira sa Delfin Albano, Isabela.  Si Sharma ang tsuper ng pickup.

Ang mga nasugatan ay kinabibilangan ng tsuper ng Dagupan bus na si Joselito de Leon, taga-Fairview, Quezon City; ang spare driver na si Odilon Ruma, residente ng Baliwag, Bulacan; Rosario Decina at Joseph Balaus, kapwa pasahero na taga-Tuguegarao City.  Sila ay nilalapatan ng lunas ng Isabela Provincial Hospital sa Ilagan, Isabela.

Sa inisyal na imbestigasyon, sinasabing ang bus ay patungong Tuguegarao City habang sa direksyon naman ng Ilagan, Isabela ang pickup ng mangyari ang aksidente.

Ab Workouts

Leave a comment

0 Comments.

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.