NEW YORK— Umakyat na sa 50 katao ang nasawi sa nangyaring pagsabog sa isang power plant sa Connecticut, habang patuloy na tumataas pa umano ang bilang ng mga sugatan.
Ayon sa report, nangangailangan pa ng karagdagang helicopters, ambulansiya at mga fire trucks para mailikas ang mga biktima.
Nangyari ang pagsabog sa Kleen Enery plant, isang gas-fired plant sa Middletown, kung saan tinatayang nasa 40,000 ang populasyon.
“The reports vary from a few, several to possibly as many as 50 dead,” ani Brian Albert mula sa Middlesex hospital.
Sa inisyal na imbestigasyon, sinasabing nangyari ang pagsabog habang nagsasagawa ng pagkumpuni sa power generating systems ng planta.
Ang 620-megawatt Kleen Energy plant ay tinuturing na isa sa pinakamalaking power facilities sa bahagi ng Middletown, malapit sa Connecticut river.
Philippine Peso Exchange Rate
0 Comments.