Babala ng bagyo, posibleng alisin na mamaya

Posibleng tanggalin na mamayang tanghali ang umiiral na babala ng bagyo sa Eastern Samar.

Ito ang naging pahayag ngayon ni Manny Mendoza ng Pagasa forecasting center matapos unti-unti nang lumalayo sa kalupaan ang sentro ng bagyong si Auring.

Huli itong namataan base sa satellite and surface data sa layong 210 km sa silangan ng Catarman, Northern Samar.

Taglay nito ang lakas ng hanging 55 km bawat oras.

Sa ngayon aniya ay lalo pa itong bumilis kung saan umaabot na ito sa 13 km bawat oras sa direksyong pahilaga.

Tanging sa Eastern Samar lamang umiiral ang babala ng bagyo bagamat apektado rin ng pabugso-bugsong hangin at ulan ang ilang panig ng Kabisayaan.

Bukas ng umaga, ang sentro ng bagyo ay nasa 400 km sa hilagang silangan ng Catarman, Northern Samar.

Sa Miyerkules, ito naman ay nasa 710 km sa silangan hilagang silangan ng Casiguran, Aurora, habang sa Huwebes ito naman ay inaasahang nasa 890 km sa silangan hilagang silangan ng Aparri, Cagayan.

Ab Workouts

Leave a comment

0 Comments.

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.