Bahay ng secretary ng ARMM gov. ni-raid sa Davao

DAVAO CITY – Nilusob ng mga otoridad ang bahay ng secretary ni suspended ARMM Governor Zaldy Ampatuan na nasa Libby Road, Barangay Bago Gallera, Talomo district lungsod ng Davao.

Pero nabigo ang mga kapulisan dahil wala si Arturo Moreno Jr. sa loob ng pamamahay.

Sa report ng Bombol Radyo Davao, pinasok din ng mga otoridad ang bahay ng ama ni Arturo na si Art Moreno Sr.  na katabi lamang nito.

Pinangunahan ni Davao City Police Office director S/Supt. Rene Aspera ang  raid dala ang search warrant mula sa korte.

Ayon kay Aspera naka-recover sila ng dalawang kalibre ng armas na kinabibilangan ng isang 9mm, cal. .22 rifle, at mga magazines.

Paliwanag pa nito, matagal na nilang minamanmanan si Moreno dahil sa natanggap na mga impormasyon na nagpupuslit ito ng matatas na kalibre ng armas.

Hindi naman nagpakita ng resistance ang pamilya Moreno nang pasukin ng mga pulis ang mga bahay nito.

Matapos ang search operation dinala ng mga pulis si Moreno Sr. sa kanilang himpilan.

Ab Workouts

Leave a comment

0 Comments.

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.