‘Epekto ng El Niño sa Region 2, pinakamatindi’

TUGUEGARAO CITY – Patindi ng patindi ang epekto ng tagtuyot dala ng El Niño phenomenon sa lambak ng Cagayan lalo na sa sektor ng agrikultura.

Sa panayam ng Bombo Radyo Tuguegarao kay Dir. Vic Galvez ng National Irrigation Administration (NIA-2), apektado na ng El Niño ang 11,000 hectares na palayan mula sa 203,000 hectares na kabuuang irrigated areas sa buong lambak Cagayan.

Dahil dito, gumagawa na ng mitigating measures ang tanggapan para mapatubigan ang mga palayan sa buong rehiyon.

Ayon kay Galvez, ipinapatupad nila ang rotational method of irrigation service para mapatubigan ang lahat ng mga pananim na palay.

Maliban dito, may mga naka-stand by umano silang water pump para ma-supplyan ng tubig ang mga matataas na lugar at gumagawa sila ng temporary dam para maimbak ang tubig sa mga ilog.

Inihayag pa nito na ito na ang pinakamatinding tagtuyot na naranasan sa rehiyon kung ibabase sa level ng tubig sa Magat dam sa Ramon, Isabela.

Aniya, ramdam na ang pagbaba ng level ng tubig sa Magat dam dahil mula January 1 ay 36 cubic meter per second na lang ang pumapasok na tubig sa dam kumpara sa 59-60 cubic meter per second noong 1994 at 1998 ng unang tumama ang El Niño rehiyon.

Sa kabila nito, tiniyak ni Galvez na sapat ang tubig sa mga water reservoir na magsu-supply sa mga pananim na palay hanggang sa katapusan ng buwan ng Marso.

Ab Workouts

Leave a comment

0 Comments.

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.