‘Kawalan ng extradition, ‘di hadlang sa Ping arrest’

Tiniyak ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) na mahuhuli at mahuhuli din ng gobyerno si Sen. Panfilo “Ping” Lacson na kasalukuyang nagtatago sa labas ng bansa kasunod ng warrant of arrest na inilabas laban sa kaniya.

Iginiit ni NBI spokesman Atty. Ric Diaz na bagama’t hindi matatawaran ang kaalaman ni Lacson sa intelligence at police works bilang dating hepe ng Philippine National Police, pero alam umano ng mambabatas na hindi nito kayang talunin ang sistema.

“Alam niya po ang Interpol system na iyan, being the former chief ng PNP, at alam niyang hindi niya maaaring alisin ang system na iyon. The system now will now work against him,” giit ni Diaz.

Una ng sinabi ng opisyal na tukoy na nila ang pinagtataguan ngayon ni Lacson at kaunting panahon na lamang umano at kanila na itong makukuha.

Bagama’t hindi direktang kinumpirma ni Diaz ang impormasyon na sa bansang China nagtatago ang senador, pero binigyang katiyakan ng NBI official na kahit walang extradition treaty ang China at Pilipinas ay maari pa rin umano nilang sunduin si Lacson kapag hawak na siya ng Chinese authorities.

“Well established ang ating police cooperation sa bansang China. Ihoho-hold nila (Chinese police) si Sen. Ping, tatawagan tayo, susunduin natin. Simple lamang. Marami na tayong sinundo doon at marami na rin tayong inihatid doon,” paliwanag ni Diaz sa isang panayam.

Samantala, nilinaw naman ngayon ni Atty. Alex Poblador na hindi siya kinonsulta ng kaniyang kliyente na si Sen. Panfilo Lacson hinggil sa huling official statement ng mambabatas na kumukumpirma sa kaniyang pagtatago sa batas.

Sa katunayan, sinabi ng abugado na kaniya pang personal na bibiripikahin kay Lacson ang nasabing press release na ipinalabas ng tanggapan ng mambabatas.

Sinabi naman ng abugado ni  Lacson na isusumite na nila ng motion for reconsideration para ibasura ang ipinalabas na warrant of arrest ni Manila RTC Judge Myra Garcia-Fernandez.

Ab Workouts

Leave a comment

0 Comments.

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.