Lacson, pinapaaresto na ng korte

Iniutos na ngayon ni Judge Myra Garcia-Fernandez ng branch 18 ng Manila Regional Trial Court ang pag-aresto kay Sen. Panfilo “Ping” Lacson dahil sa kasong kidnapping at double murder kaugnay sa pagpatay sa dating public relations expert na si Salvador “Bubby” Dacer at driver na si Emmanuel Corbito noong taong 2000.

Ang warrant of arest laban sa senador ay ipinalabas isang buwan matapos na siya’y kasuhan.

Non-bailable offense ang kinakaharap ni Lacson.

Pinagbasehan ng korte ang naging testimonya ni dating police Col. Cezar Mancao na narinig umano niya ang utos ni Lacson noong ito pa ang PNP chief sa pagdukot kay Dacer na nagmula naman ang direktiba sa isang alyas Bigote.

Nauna rito, sinabi ng legal spokesman ni Sen. Lacson na si Atty. Alex Avisado na hindi pa hinog ang pagpapalabas ng mandamiento de aresto sa dahilang hindi pa naman nareresolba ng huwes ang kanilang mga pleadings.

Kahapon sinabi ng NBI na wala sa Australia si Lacson kundi nasa Hong Kong o kaya sa ibang bansa na hindi na kailangan ang visa requirement.

Noong nakaraang linggo lamang ay kinumpirma nga ng senador na umalis siya sa bansa dahil umano sa panggigipit sa kanya.

Ab Workouts

Leave a comment

0 Comments.

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.