Sa kabila nito, tiniyak ng kalihim na gumagawa na ng mga hakbangin ang pamahalaan upang masulosyunan ang naturang malaking problema.
Sa ginanap na cabinet meeting sa Malacañang, iprinisenta ni Energy Secretary Angelo Reyes ang ilang mga hakbangin na maaaring gawin ng gobyerno sa pinakamadaling panahon.
Inaasahan kasi na titindi pa lalo ang epekto sa rehiyon na nagpadagdag pa ang pananalasa ng El Niño phenomenon.
Nagdulot ito ng kakulangan ng suplay ng koryente na umaabot sa 700 megawatt na naging dahilan upang umabot na sa critical level ang mga hydroelectric power plants.
“A power deficiency of 700 megawatt is devastating to the economy,” ani Dureza.
Dahil dito nakatakdang makipagpulong ang isang cabinet level group sa pangunguna ni Executive Secretary Mendoza sa Mindanao Business Council at Mindanao Electric Power Alliance, isang koalisyon ng mga power providers at cooperatives upang makahanap ng mga short term solutions.
Ayon kay Dureza kabilang umano sa mga options ay ang agarang paglilipat ng mga power barges patungong Mindanao, pagpapagamit ng mga standby generators na pag-aari ng malalaking hotels at malls, at pag-schedule ng trabaho ng malalaking power consumers sa ibang oras patungo sa gabi.
“Mindanao is facing a calamity situation due to an acute and worsening power shortage but government is firmly resolve to address it decisively. A series of actions and options are being looked into by Malacañang to deal with this,” pahayag pa ni Dureza sa isang statement.
Layunin nitong mabigyang linaw kung ano ang magiging status ng hinihiling na gun ban exemption ng Presidential Anti-Smugling Group (PASG) para sa ilang indibidwal.
Batay sa isinumiteng listahan ng PASG sa Comelec, hinihingi nito na bigyan ng karapatang magbitbit ng baril ang ilan sa mga ito tulad nina businessman Danding Cojuangco, National Press Club (NPC) president Benny Antiporda at isang Jose Taruc.
Kahapon lamang, nagpalabas na ng suspensyon ang Comelec sa kapangyarihan ng PASG na magdala ng anumang armas bilang bahagi ng kanilang pinaigting na gun ban campaign habang nalalapit ang halalan.
Pero sa kabila ng suspensyong ito sinabi naman ni Commissioner Herman Z. Basbaño na patuloy silang nakakatanggap ng ulat na may mga armadong personalidad na nagpapakilalang PASG members sa ilang probinsiya at ginagamit naman ng ilang partisan armed groups.
Ang independent commission againts private armies ay binigyan ng kapangyarihan sa ilalim ng Administrative Order 275 na buwagin ang mga private armies sa bansa kasama na ang mga partisan armed groups bago sumapit ang halalan sa Mayo 10, 2010.
Sa pamamagitan ng isang resolusyong isinulong sa sangguniang panlalawigan, nagkakaisang sinuportahan ng mga miyembro ng konseho ang naging rekomendasyon ng Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) na pagdedeklara sa state of calamity sa lalawigan.
Una ng iniulat ng Provincial Agriculture Statistics (PAS) na higit 5,000 ektarya na ng palayan ang napinsala ng matinding tagtuyot kung saan halos P200 milyon na ang kabuuang halaga ng agricultural products ang nalugi.
Nagdesisyong ideklara ito sa buong lalawigan upang maiwasan ang anumang kalituhan sa pagpapatupad at paggamit ng calamity fund ng mga lokal na pamahalaan.
Samantala, isinusulong na sa kasalukuyan ang pagsasagawa ng cloud seeding sa mga piling lugar sa Albay, pamamahagi ng vegetable seeds at pagtatayo ng mga water pumps sa mga lugar na said na ang suplay ng tubig para sa mga palayan.
Sa ginanap na cabinet meeting sa Malacañang, lima umanong opsyon ang pinag-aaralan na hindi na kailangan pa ang pagpapatibay ng Kongreso.
Ayon kay Executive Secretary Leandro Mendoza sa loob ng apat na araw ay maglalabas ng desisyon ang Palasyo kung paano reresolbahin ang naturang problema.
Kabilang sa mga pangunahing ahensiya na naatasang maghanap ng sulusyon ay ang Department of Energy, Department of Finance, Mindanao Development Authority, National Disaster Coordinating Council (NDCC) at ang private sector.
Gayunman inamin ni Mendoza na posibleng tumaas ang singil sa koryente sa Mindanao sa dahilang ang private sector kasi ang papasok sa lease agreement para punan ang kinakailangang 200 megawatt na power supply sa rehiyon.
Ayon kay Press Secretary Crispulo Icban, kabilang umano sa short term solution ay ang paglilipat ng power barge na nasa Luzon patungong Mindanao.
Pinag-aaralan din umano ang pagbabago sa operasyon ng mga kompaniya sa rehiyon sa gabi dahil sa kokonti lang ang gumagamit ng koryente kumpara sa umaga.
“The problem is only in Mindanao and is going to be over in four months. So what we need is a short term solution that will not be too expensive perhaps that is feasible. There maybe proposals that will require the importation of equipment there is just no time for that,” ani Icban.
Sa report ng Bombo Radyo Baguio, ang mga dalagita ay nasa edad na 15 at 17-anyos, habang ang kanilang lola ay nakilalang si Brigida Baro, 60, pawang tubong Bangued, Abra.
Una rito, humingi ng tulong sa Baguio City Police Office ang ama ng dalawa sa dahilang hindi sumasagot ang mga ito ng ilang oras na habang tinatawagan sa cellphone.
Sa pagresponde ng mga pulis, nakita nilang nakabulagta na sa sahig ang duguang bangkay ng mga biktima.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng mga otoridad namatay umano ang mga biktima dahil sa multiple stab wounds sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.
Maliban diyan, pinaniniwalaang ginahasa pa ang pinakabata sa mga biktima dahilan sa nakitang nakababa na ang kanyang punit punit na underwear.
Sa ngayon ay hindi pa malaman ng mga imbestigador ang motibo sa nasabing krimen at kung sino sino ang may kagagawan.
Nagpapatuloy naman ang follow-up operations ng mga otoridad habang isinailalim na rin sa otopsya ang mga bangkay.
Ipinag-utos ng hukuman ang pagbuwag sa nilikha ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) dahil umano sa ang pagkakatatag nito ay iligal at labag sa Konstitusyon.
Batay sa siyam na pahinang desisyon, idineklara ni Judge Silvino Pampilo Jr. ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 26 ang Executive Order (EO) No. 624 na siyang lumikha sa PASG na “invalid” at “unconstitutional.”
Binanggit sa desisyon na ang pagkakatatag sa PASG na pinamumunuan ni Undersecretary Antonio Villar Jr. ay labag sa doktrina ng separation of powers, salungat sa mga probisyon ng Tariff and Customs Code, at dinuduplika rin nito ang kapangyarihan at tungkulin ng Bureau of Customs (BOC), partikular ang paglaban sa lumalalang smuggling sa bansa.
Batay pa sa desisyon, nakagawa ng pagkakamali ang Malacañang ng likhain nito ang PASG dahil ito ay trabaho ng Kongreso at hindi ng ehekutibo.
Nag-ugat ang kautusang ito ni Pampilo sa isinampang Petition for Declaratory Relief with Application for Preliminary Injunction and Temporary Restraining Order (TRO) ni Sui Ting Alpha Kwok, isang Chinese-born British national na isinasangkot sa pagpuslit ng P500 milyong halaga ng mga diyamante.
Hiniling ni Kwok sa hukuman na buwagin ang PASG kasunod ng iligal umano nitong pagsalakay sa kanyang condominium noong Agosto 18, 2009.
“Wherefore, premises considered, the Petition for Declaratory Relief is hereby granted. Executive Order (EO) No. 624 is hereby declared illegal, invalid, unconstitutional and in violation of the doctrine of separation of powers, checks and balances…” ayon sa desisyon.
Nakapuntos dito ang petitioner na si Sui Ting Alpha Kwok, ang binansagang “Diamond Queen” laban sa PASG matapos iutos ng korte ang pagbuwag sa nasabing ahensya.
“The executive order created another instrumentality which is not allowed because it is tantamount to usurpation of legislative power and violation of the doctrine of separation of powers between the executive branch and the legislative branch of the government,” batay sa hatol ng korte.
“The PASG, likewise fails to promote efficiency. The Alliance of Customs Brokers, Truckers, Importers and Organizations Nationwide (ACTION) submitted a manifesto demanding the abolition of PASG ‘to put an end to an abusive, unnecessary, redundant, red tape imposing presidential creation that has contributed more problems than solutions to the anti-smuggling campaign.”
ANKARA, Turkey – Posibleng tataas pa ang bilang ng mga nasawi sa naganap na 6.0 na paglindol sa Turkey.
Sa ngayon halos 60 ang namatay sa nasabing lindol.
Ayon sa alkalde mula sa Elazig province, 57 bangkay na umano ang narekober mula sa anim na mga barangay sa nabanggit na lalawigan.
Sentro umano ng lindol ang Basyurt na sinundan ng mahigit 30 aftershocks kung saan ang pinakamalakas ay nasa magnitude 5.5.
Inaasahan ng mga lokal na opisyal na tataas pa ang bilang ng mga nasawi sa lindol matapos na gumuho ang ilang kabahayan ang istruktura sa Turkey.
Inihayag ng government crisis center, maliban sa mga nasawi, mahigit 100 pa ang sugatan sa pagyanig.
Hindi umano nakapaghanda ang mga residente sa lugar dahil gabi ng mangyari ang lindol kung kaya’t tulog ang mga mamamayan.
Mistula umanong napatag ang mga apektadong barangay dahil sa lakas ng lindol na nagdulot ng panic sa mga tao. (AP)
Sinabi ngayon ni deputy presidential spokesperson Charito Planas, hindi pa man umano nakakaupo ang tao ay binabato na ng mga batikos kung ano ang masamang gagawin.
Dapat aniyang bigyan ng pagkakataon ang isang pinagkakatiwalaan ng presidente na mamuno sa isang posisyon.
Inihalimbawa pa nito noong panahon ng administrasyong Aquino na maraming mga tangkang kudeta kaya natural lamang na magtalaga ng chief of staff na pagtitiwalaan.
Nauna ng inihayag ni Sen. Rodolfo Biazon, na nagsilbi ring dating chief of staff, na merong pangamba sa pagtatalaga kay Bangit dahil sa hindi naresolba ang iskandalo sa “Hello Garci” issue, at baka magamit ang heneral upang sagkaan ang election process.
Para naman kay Gen. Ibrado, kumpiyansa siya sa kakayahan ni Bangit, kasabay ng pagdepensa na “unfair” kung iuugnay siya sa pagmanipula sa halalan dahil lamang sa pagiging malapit kay Pangulong Arroyo. Giit nito, ang kanyang successor ay isang professional soldier.
Nauna ng inihayag sa statement ng incoming chief of staff na gagawin niya ang lahat para pagsilbihan ang interes ng sambayanang Pilipino ng lahat ng kanyang makakaya.
Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na pawang ligtas ang nasa 5,500 na mga Pinoy sa bansang Tukey sa kabila ng 6.0 magnitude na lindol.
Ayon kay DFA spokesman Atty. Ed Malaya, nakipag-ugnayan na sila sa Philippine Embassy sa Ankara at wala naman umanong naitalang nasawi o kahit nasugatan sa pinakahuling trahedya.
Ayon sa ulat, karamihan sa mga Pinoy na nasa Turkey ay mga residente na rito habang ang halos 100 umano ay mga Overseas Filipino Workers (OFWs).
Ani Malaya, agad silang nakipag-ugnayan sa Embahada dahil na rin sa sunod-sunod na tawag na kanilang natanggap matapos maganap ang lindol.
Sa kabila nito, tiniyak pa rin ng DFA na mananatili silang naka-monitor sa anumang kaganapan sa Turkey upang matiyak ang kaligtasan ng lahat ng mga Pinoy sa nasabing bansa.
Inatasan na rin umano ng kanilang tanggapan ang mga opisyal ng embahada na magbigay ng regular na ulat upang mapawi ang pangamba ng mga kamag-anak ng mga ito sa ating bansa.
DAVAO CITY – Ibinasura ng panel of prosecutors ang kasong murder laban kay Buluan Vice Mayor Esmael “Toto” Mangudadatu.
May kaugnayan ito sa pagkapatay kay Tamano Kagi Kamendan sa 4th Floor ng Gaisano South Citimall noong gabi ng Pebrero 11.
Ito ang naging hakbang ng mga prosecutors matapos ang isinagawang clarificatory hearing patungkol sa nasabing kaso.
Ang mga prosecutors ay binubuo ng chairman na si Prosecutor Jofre Saniel, kasama si Maria Gemma Dabbay-Tambis, at Marte Melchor Velasco.
Nagsagawa ang panel ng ocular inspection sa Gaisano South Citimall kung saan nangyari ang barilan.
Lumalabas na hindi pinaniwalaan ng mga prosecutors ang akusasyon at pahayag ni Natividad Arce Kamendan, maybahay ng napatay na sinasabing trusted employee ni dating Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr. na mismong si Mangudadatu ang nag-utos sa kanyang mga police escorts na habulin at barilin si Kagi Kamendan.
Samantala, tuloy naman ang kaso laban sa dalawang police escorts ni Mangudadatu na sina Police Officers 1 Surab Lintukan Bantas at Ibrahim Langalen na siya umanong bumaril at nakapatay kay Kamendan matapos tangkaing hablutin ang 11-anyos na anak na babae ng vice-mayor.
Tinangka ring agawan umano ng armas si Bantas na siyang humabol sa kanya

Recent Comments