Welcome to the Latest Philippines News

Your Ad Here
Jan 192010
Dec 292009
Ang tinaguriang megastar na si Sharon Cuneta ang itinanghal kagabi bilang best actress sa 35th Metro Manila Film Festival (MMFF) na ginanap sa SMX Convention Center, Mall of Asia, sa Pasay City.

Ang tumatayong anak ni Sharon sa pelikulang “Mano Po 6,” na si Heart Evangelista ang nakakuha ng best supporting actress award.

Napili naman ang actor at senador na si Bong Revilla Jr. bilang best actor sa pelikulang “Ang Panday,” habang ang kanyang kasama na si Phillip Salvador napunta ang bilang best supporting actor award.

Sa iba pang resulta ng MMFF awards night, napiling best director si Joel Lamangan ng “Mano Po 6.”

Tinanghal naman na second best picture ang pelikula ng Star Cinema na “I Love You Goodbye,” samantalang third best picture ”Ang Darling kong Aswang” na pelikulang pinagbibidahan nina Vic Sotto at Cristine Reyes.

Ang “I Love You Goodbye” ay comeback movie rin ni Gabby Concepcion matapos ang naging kontrobersiyal niyang bahagi noong 1994 Metro Manila Film Festival.

Ang “Mano Po 6″ ang nagwagi ng Gatpuno Antonio Villegas Cultural Award.

Iginawad naman kay comedy king Dolphy ang Lifetime Achievement award.

Kung maaalala noong 2008 Metro Manila Film Festival, itinanghal na best actress si Anne Curtis sa pelikula nitong “Baler” habang si Christopher de Leon ang best actor sa pelikulang “Magkaibigan.”

Kaugnay nito, hindi umano makapaniwala ang mga artistang nanalo sa award night.

Humakot ng award ang pelikula ni Bong na may pitong awards kabilang na ang best actor para sa kanya at best supporting actor kay Phillip.

Binigyang kredito ni Revilla si Phillip dahil umano sa paggabay nito sa kanya kung paano atakehin ang kanyang role.

Inialay ng aktor sa totoong “Panday” na si Fernando Poe Jr. ang tagumpay ng kanilang pelikula.

Para kay Phillip, inamin nito na kinabahan din siya sa awards night dahil umaasa rin siya na maiuuwi ang tropeyo.

Sa kabilang dako, inialay ni Sharon ang napanalunang best actress trophy sa namayapang tagapag-alaga nito na si Yaya Luring.

Dec 152009

GENERAL SANTOS CITY – Nasa 80 porsyento na ang ginagawang paghahanda para sa ika-31 kaarawan ni WBO welterweight champion Manny Pacquiao ngayong Disyembre 17 sa lungsod ng Heneral Santos.

Ayon kay Leanne Omega, executive secretary ni Pacquiao na inaasahang dadalo sa birthday concert ang dalawang kilalang boksingero at dating nakalaban na sina dating WBO welterweight champion Miguel Cotto at dating IBO light welterweight champion Ricky “The Hitman” Hatton.

Sa report ng Bombo Radyo Gensan, kabilang din sa mga imbitado ay ang mga senador at presidentiables ng bansa.

Sa nasabing birthday concert, aawit ng 15 kanta si Pacman kung saan mamimigay din ito ng mga premyo sa mga bisita bilang pasasalamat sa kanilang pagdalo.

Kabilang sa ipamimigay umano ay mga laptop, digicam, flat TV, motorsiklo at isang brand new Toyota Vios at dadagdagan pa ng 150 grocery packs.

Sa ngayon, fully booked na ang airlines flight para bukas at naka-blocked na rin ang mga hotel accomodations dalawang linggo pa bago ang selebrasyon.

Gaya ng nakaraang birthday ni Pacman, kailangang naka-formal attire ang mga dadalo sa kasiyahan na magsisimula alas syete ng gabi sa KCC Convention Center.

Dec 142009

JOHANNESBURG, South Africa – Kinoronahan ang 23-anyos na kandidata ng Gibraltar bilang Miss World 2009 sa ginanap na coronation night kagabi sa Gallagher Center sa Johannesburg, South Africa.

Si Kaiane Aldorino ang kauna-unahang nagbigay ng Miss World crown para sa Gibraltar.

Nangibabaw ang ganda at talino ni Aldorino sa 111 kandidata na sumali sa nasabing patimpalak ng kagandahan ngayong taon.

Na-speechless naman at nag-uumapaw sa emosyon ang administrative clerk habang kinokoronahan ng Miss World 2008 na si Kseniasukhi Nova ng Russia.

“I have no words. Thank you South Africa, this is the most wonderful moment of my life,” ani Aldorino.

First runner-up si Miss Mexico Perla Beltran habang second runner-up si Miss South Africa Tatum Keshwar.

Una rito, mula sa 111 na mga kandidata, pinili ng mga hurado ang Top 16 finalists na kinabibilangan ng Miss Vietnam, Sierra Leone, Poland, Martinique, Korea, Kazakhstan, Japan, India, Brazil, Panama, France, Colombia, Canada, South Africa, Mexico at Gibraltar.

Ngunit nang ibinaba na sa Top 7 ang mga finalists, tanging sina Miss Panama, France, Colombia, Canada, South Africa, Mexico at Gibraltar na lamang ang naiwan.

Nabigo naman ang kandidata ng Pilipinas na si Marie-Ann Umali ng Batangas City na mapabilang sa mga finalists.

Samantala, sa mga special awards, itinanghal na Beauty Queen of Africa ang Miss South Africa na si Tatum Keshwar, Beauty Queen of Americas ang Mexico na si Perla Beltran, ang kandidata ng Korea na si Kim Joo-ri ang itinanghal na Beauty Queen of Asia and Oceania, Beauty Queen of Caribbean naman si Ingrid Littre ng Martinique at Beauty Queen of Europe si Kaiane Aldorino ng Gibraltar.

Nakuha ng Japan ang special award na Miss World Sports, nangibabaw naman sa talento ang Canada at Sierra Leone, Miss World Beach Beauty si Miss Gibraltar, Miss World Top Model ang kandidata ng Mexico habang Miss World Dress Designer naman ang kandidata ng Sierra Leone.

Ang Miss India na si Pooja Chopra ang itinanghal na “Beauty with a Purpose.” (Wikipedia)

Dec 112009

Humaba pa ang listahan ng mga pagkilala at parangal na ibinibigay para kay WBO welterweight champion Manny “Pacman” Pacquiao.

Kasunod ng naitalang kasaysayan bilang kauna-unahang boksingero sa mundo na nanalo sa pitong magkakaibang dibisyon matapos talunin ang Puerto Rican na si Miguel Cotto, kinilala naman ngayon si Pacquiao ng Cable News Network (CNN) bilang isa sa Asia’s Greatest Sports Hero.

Sa inilabas na listahan ng CNN, 26 na mga atleta mula sa iba’t ibang larangan ang napabilang at nag-iisa si Pacman na nagmula sa Pilipinas.

Kasama ni Pacquiao sa kinilala ng CNN ang main man ng Houston Rockets sa National Basketball Association na si Yao Ming, martial arts legend at actor na si Bruce Lee.

Karamihan sa mga kinilala ay mula sa China, Thailand at Japan.

Napag-alaman na kabilang sa mga hinahawakan ngayon ng pound for pound king ay ang lightweight, flyweight, featherweight, super featherweight, bantam weight at ang pinakabago ay ang welterweight title.

Narito ang kabilang sa Asia’s Greatest Heroes ng CNN:

Rikidozan: Professional Wrestler (Japan)
Liu Xiang: Olympian Hurdler (China)
Li Jiawei: Table tennis queen (Singapore)
Kim Yu-na: Figure Skater (South Korea)
Khaosai Galaxy: “The Thai Tyson”(Thailand)
Lang Ping: Volleyball Olympian (China)
Sunil Gavaskar: Cricket (India)
Patrick Lam: Equestrian Rider (Hong Kong)
Fandi Ahmad: Football (Singapore)
Pone Kingpetch: Flyweight Boxer (Thailand)
Kim Khan “Zig Zach” Zak: Muay Thai (Singapore)
Nirajan Malla: Footballer (Nepal)
Yao Ming: Basketball Star (China)
Wong Kam-po: Cyclist (Hong Kong)
Wong Fei Hong: Wushu Grandmaster (China)
Bruce Lee: Martial Arts Legend (Hong Kong)
James Wattana: Snooker phenom (Thailand)
Sadaharu Oh: The “King” of baseball (Japan)
Yip Pin Xiu: Paralympian swimmer (Singapore)
Kapil Dev: Cricket (India)
Prakash Padukone: Badminton (India)
Li Ning: Olympian Gymnast (China)
Shizuka Arakawa: Olympian Figure Skater (Japan)
Manny ‘Pacman’ Pacquiao: Boxer (Philippines)
Prince Birabongse Bhanudej: Race-car Driver (Thailand)
Vishwanathan Anand: Chess (India)

Dec 102009

Panibagong pagkilala na naman ang nakuha ni WBO welterweight champion Manny Pacquiao, maliban pa sa ginawa nitong kasaysayan bilang kauna-unahang boksingero sa mundo na nanalo sa pitong magkaibang dibisyon.

Ito’y matapos na mapabilang si Pacman sa listahan ng Time magazine “Top 100 Most Influential People of the World.”

Panghuli ang Filipino ring icon sa kategoryang heroes and icons at ang nanguna ay si US First Lady Michelle Obama na sinundan ng tinaguriang “Miracle Pilot” na si Capt. Chesley Sullenberger.

Si Sullenburger ang piloto ng eroplanong nag-crash sa Hudson River ngunit nailigtas ang lahat na pasahero.

Ilan pang sports icon na kasama ni Pacquiao ay sina Tiger Woods at Rafael Nadal.

Kasama rin sa ipinalabas na listahan ng Time magazine ang pumanaw na si Massachusetts Sen. Edward Kennedy, US President Barack Obama na bumaba ngayon sa ika-20 mula sa ika-tatlong puwesto noong 2008 para sa kategorya ng mga world leaders.

Sa Hollywood, pasok sina George Clooney, Brad Pitt, Penelope Cruz, Kate Winslet at ang sikat na talk show host na si Oprah Winfrey.

Narito ang kompletong listahan ng “Top 100 Most Influential People of the World” ng Time magazine:

Leaders and Revolutionaries:

Edward Kennedy
Gordon Brown
Christine Lagarde
Thomas Dart
Avigdor Lieberman
Joaquín Guzmán
Nouri al-Maliki
Hillary Clinton
Susilo Bambang Yudhoyono
Boris Johnson
Norah al-Faiz
Elizabeth Warren
Paul Kagame
Nicolas Sarkozy
Angela Merkel
Wang Qishan
Xi Jinping
David McKiernan
Ashfaq Kayani
Barack Obama

Builders and Titans:

The Twitter Guys
T. Boone Pickens
Ted Turner
Tessa Ross
Carlos Slim
Brad Pitt
Meredith Whitney
Suze Orman
Lauren Zalaznick
Timothy Geithner
Nandan Nilekani
Stella McCartney
Jamie Dimon
Sheila Bair
moot
Alexander Medvedev
Alan Mulally
Robin Chase
Jack Ma
Bernie Madoff

Artists and Entertainers:

Rush Limbaugh
M.I.A.
Sam and Dan Houser
Kate Winslet
Werner Herzog
William Kentridge
Penélope Cruz
Lang Lang
John Legend
Elizabeth Diller and Ricardo Scofidio
Gustavo Dudamel
Jeff Kinney
Tavis Smiley
The View
Zac Efron
Tina Fey
Tom Hanks
Jay Leno
A.R. Rahman
Judith Jamison

Heroes and Icons:

Michelle Obama
Chesley B. Sullenberger
Richard Phillips
Seth Berkley
Michael Eavis
Leonard Abess
Hadizatou Mani
Rick Warren
Van Jones
Somaly Mam
Rafael Nadal
Suraya Pakzad
Jeff Bezos
Tiger Woods
George Clooney
Brady Gustafson
Sister Mary Scullion
Oprah Winfrey
Sarah Palin
Manny Pacquiao

Scientists and Thinkers:

Nouriel Roubini
Amory Lovins
Jon Favreau
Dambisa Moyo
Dan Barber
Yoichiro Nambu
Roland Fryer
Martin Lindstrom
Barbara Hogan
David Sheff
Steven Chu
Paul Krugman
Connie Hedegaard
Daniel Nocera
Stephan Schuster and Webb Miller
Nicholas Christakis
Doug Melton
Paul Ekman
Shai Agassi
Nate Silver

Dec 012009

SICHUAN, China – Si Ana Gabriela Marroquin Espinosa ng Mexico ang itinanghal na Miss International 2009 na ginanap sa Sichuan International Tennis Center, Chengdu, Sichuan, China.

Nasungkit ng 21-anyos na si Espinosa ang ika-49 na titulo ng Miss International.

Nakuha naman ni Miss Korea Eu Mi Seo ang 1st Runner-up habang si Chloe Beth Morgan ng United Kingdom ang itinanghal na 2nd Runner-up.

Pinangunahan naman ni Miss Philippines Melody Gersbach ang Top 15 kasama sina Yana Supranovich ng Belarus; Cassandra D’Ermilio ng Belgium; Rayanne Morais ng Brazil; Chanel Beckenlehner ng Canada; Patricia Rosales ng Cuba; Victoria Fernández ng Dominican Republic; Linda Wikstedt ng Finland; Miss Japan, Yuka Nakayama; Miss Panama Joyce Jacobi; Melanie Santiago ng Spain; at Venezuela, Laksmi Rodríguez ng Venezuela.

Ang ilang pang special awards ay kina bibilangan ng Ms. Congeniality na napunta kay Wang Qian ng China; Best National Costume si Kenia Andrade ng Honduras, Ms. Photogenic Seo Eun-mi, Korea;  Miss Friendship, Wang Qian (China); Miss Mobile Beauty, Aileen Jan Yap (USA); at Miss Internet Beauty, Catalina Stascu (Moldova).

Ang Bikolana beauty na si Gersbach ang naging kinatawan ng Pilipinas sa Miss International beauty pageant matapos na tanghalin kamakailan bilang Binibining Pilipinas-International.

Sep 072009

GENERAL SANTOS CITY – Naglaho ang pinaghirapan sa shooting ng pelikulang “Tanging Pamilya” nina dating Pangulong Joseph Estrada, Ai-Ai delas Alas, Toni Gonzaga, Sam Milby at Mrs. Dionesia Pacquiao.

Ito ang inihayag ni Roderick Teves, isa sa 20 crew ng pelikula nina Erap na nakasakay sa Super Ferry 9 na lumubog sa karagatan ng Siocon, Zamboanga del Norte.

Sinabi ni Teves sa panayam ng Bombo Radyo Gensan na dala nila ang mga kagamitan ng nasabing shooting kagaya ng generator, at ang mga footages na kuha sa Gensan sa kanilang pagsakay ng barko.

Magugunitang mahigit sa isang linggong namalagi sa Gensan ang buong cast ng pelikula dahil ayaw ng ina ni pound-for-pound king Manny Pacquiao na si Mommy Dionesia na lumuwas ng Maynila dahil sa may panata ito na hindi bibiyahe mula sa buwan ng Agusto hanggang Oktubre.

Matapos ang 10 araw na shooting sa Gensan ay tila ikinonsidera na ng mga cast na “almost complete” na ang mga eksena kaya’t umuwi na ang mga ito kung saan ang mga crew ay sumakay sa Superferry 9.

Excited pa at inimbitahan ni Nanay Dionesia ang publiko na panoorin ang nasabing pelikula nito dahil maganda umano ito at makapagbibigy ng aral at saya sa lahat na inaasahang ipapalabas sana sa Oktubre.

Sinabi pa ni Teves na walang problema sa makina ng barkong kanilang sinsakyan, kundi ang sobrang bigat umano ng kargamentong dala nito at tila hindi umano maganda ang pagkaka-lock ng mga kadena na itinali sa mga container van, dahil hindi balanse at umaalog-alog ang mga ito.

Ang mga kasamahan pa ni Teves na sumakay sa barko ay sina:

1. Joe Carlo Aquino
2. Reniel Billones
3. Joseph Noble – driver
4. Manuel Maiksi
5. Victor Longos
6. John Michael Roselo
7. Gaspar Catalan. Jr.

Jul 302009

Inaprobahan na ngayon ni Pangulong Arroyo ang pagiging national artist ng pitong kagawad ng sining.

Ini-anunsyo ng Palasyo ang pagkakapirma sa executive order bago tumulak papuntang Estados Unidos ang Pangulo para makipagpulong kay US President Barack Obama.

Kabilang sa mga bagong national artists ay sina Manuel Urbano (Film); Lazaro Francisco (Literature); Federico Alcuaz (Visual Arts); Cecilia Guidote-Alvarez (Theater); Magno Carlos J. Caparas (Visual Arts); Francisco Manoza (Architecture) at Jose Pitoy Moreno (Fashion Design).

Sa nasabing talaan, hindi pa napasama si Francis Magalona na kilala sa mga makabayang rap at mismong ang Pangulo ay nagbigay din ng papugay sa yumaong singer.

Jul 102009

Nagkakairingan na umano ang pamilya Jackson kaugnay ng paglilibing sa labi ng namayapang King of Pop na si Michael Jackson.

Kung si Jermaine Jackson ang tatanungin, nais nitong sa Neverland Ranch sa Santa Barbara county ilibing ang kapatid.

Gayunman, ipinagbabawal ng lokal pamahalaan na maglibing sa pribadong lugar.

Pero kung magkakasundo ang pamilya ay pwede namang i-cremate na lang labi ni MJ at isaboy ang abo nito sa Neverland.

Gayunman, tutol naman umano dito ang ina ng King of Pop na si Katherine Jackson.

Katwiran ni Katherine, maraming masasamang ala-ala para sa kanyang anak ang Neverland kayat hindi na dapat dito ilibing si MJ o kaya’y dito ilagay ang kanyang mga abo.