Welcome to the Latest Philippines News

Your Ad Here
Dec 282009

LAOAG CITY – Isa ang patay at anim ang sugatan matapos tambangan ang mga kandidato ng Nacionalista Party (NP) sa Dingras, Ilocos Norte kaninang madaling araw.

Sa report ng Bombo Radyo Laoag, dead on the spot si Barangay Chairman Joen Caniete, kandidato sa pagka-konsehal sa bayan ng Dingras, matapos tamaan ng bala ng armalite sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Kabilang sa mga nasugatan ay nakilalang sina sangguniang panlalawigan member Dr. Robert Castro, Sangguniang Bayan Member Jimboy Albano, SPO2 Cesar Sabado na isang police escort, Joel Rosqueta-driver/escort ni Dr. Castro at dalawang sibilyan na sina Fernando Sebastian at Gaudencio Teodoro.

Mahigit sa 50 katao umano ang sakay ng apat na convoy na kinabibilangan ng mga kandidato ng NP partikular ang grupo ni Barangay Chairman Joefrey Saguid na kandidato sa pagka-alkalde ng Dingras.

Hindi naman tinamaan si Saguid bagama’t may daplis ng bala ang kanyang kamay.

Galing umano ang grupo sa isang Christmas party at hinarang ng mga armadong suspek sa Barangay San Esteban sa nasabi ring bayan.

Partikular umanong tinadtad ng bala ng mga suspek ang sasakyan ni Board Member Castro.

Agad namang rumesponde ang mga kasapi ng local PNP, Ilocos Norte Police Provincial Office at SWAT.

Sinasabing apat na kalalakihan na nakasuot ng bonnet ang mga itinuturong suspek sa nangyaring pananambang.

Dec 112009

CENTRAL MINDANAO – Sa unang pagkakataon ay sumuko ang unang batch ng mga armed groups na mga supporters ng pamilya Ampatuan, simula ng ideklara ang state of emergency at Martial Law sa lalawigan ng Maguindanao.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Col. Jonathan Ponce, spokesman ng 6th Infantry Division, bitbit umano ng naturang mga special CAFGU members at civilian volunteers organization (CVO) ang matataas na kalibre ng baril na bumaba sa bundok na kanilang pinagtataguan.

Ayon kay Ponce dala umano ng mga ito ang umaabot sa 17 mga M16 armalite rifles at pitong M14 garand rifle.

Sinasabing sa mga susunod na araw ay inaasahang susuko na rin ang iba pang mga armed groups.

Noong nakaraang araw lamang ay nagpakalat ang mga helicopters ng Phil. Air Force ng mga leaflets na nananawagan sa kanilang pagsuko.

Ang hakbanging ito ng militar ay upang maiwasan ang anumang madugong engkwentro ng magkabilang panig.

Inihayag pa ni Col. Ponce, na sa kanilang pagtaya ay mahigit sa 2,000 ang mga armed supporters ng mga Ampatuan.

Isasailalim naman sa masusing imbestigasyon ang mga ito lalo na ang pagsasailim sa ballistic examination ng kanilang mga baril kung ginamit sa nangyaring masaker sa Ampatuan Maguindanao kung saan umaabot sa 57 katao ang pinatay.

Pero itinatanggi ng ilan sa mga ito na wala silang kinalaman sa nangyaring malagim na krimen.

Dec 062009

Inaasahan na ng Malacañang ang mga negatibong reaksyon ng ilang mambabatas sa pagkakadeklara ng Martial Law sa Maguindanao.

Magugunitang sinabi ni North Cotabato Vice Gov. Manny Piñol na ‘overkill’ ang nasabing deklarasyon habang sinabi nina Sen. Kiko Pangilinan at Senate Defense Committee chairman Sen. Rodolfo Biazon, batay sa section 18 ng article VII ng Saligang Batas, ang Martial Law ay idedeklara lamang kung nagkaroon na ng “invasion or rebellion” sa isang lugar.

Sinabi ngayon n Executive Sec. Eduardo Ermita, normal na ang mga nasabing pagtutol ng ilang sector pero naninindigang tama ang desisyon ng Pangulo.

Lahat umano ng kinakailangang elements para sa pagdedeklara ng Martial Law ay naroon sa Maguindanao.

Handa umano ang Palasyo na idepensa at tiniyak na dumaan naman sa masusing proseso at konsultasyon bago ito nadeklara.

Dec 062009

KORONADAL CITY – Sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang NFA warehouse ng Maguindanao province na matatagpuan sa Brgy. Baku, bayan ng Mamasapano.

Sa report ni Bombo Doods Arcenas, narekober ng raiding team ang isang armored vehicle na may tatak na “Pulisya 1508th Maguindanao Province” na umano’y ginamit sa pag-flagged down ng mga biktima sa naganap na Maguindanao massacre.

Meron ding isang hummer na mistulang original na nasa loob na may red plate number na SJA-336 at katabi nito ang isang itim na Suburban SUV na may plaka na GOV-888.

Nandoon din ang isang Saddam Iraqi truck na may plate No. LFP-195; tatlong patrol cars na Hilux Toyota with plate Nos. SHS-667, Isuzu SHE-415 at Isuzu Hilux SHE-239; gayundin ang Japayuki type bus FWMZ-933; at walong mga farm tractor.

Maliban dito, nakita din sa loob ng warehouse ang ilang mga bala, tatlong M16 armalite rifle na may tatak na PNP, pitong lalagyan ng magazine na may nakasulat na Datu Sayid Ampatuan, mga lalagyan ng bala at maraming iba pa.

Ang mga baril ay nakita sa labas ng warehouse at pinaniniwalaan na ang pinaghukayan ng mga baril ay bago lamang dahil sa napakababaw.

Ang may 10 bandoliers ng bala ng M16 rifle ay tinatayang nasa 60,000 rounds at posibleng tumaas pa.  Umaabot lahat sa 340 ang kahon ng mga bala na naglalaman ng tig-1,000 rounds ng bala ang bawat kahon.

Ang sangkaterbang bala ay nakatago sa butterfly 10-wheleer truck na kayang kayang suplayan umano ang isang batallion ng mga pulis at sundalo.

Pinasok ang warehouse ng mga tauhan nina C/Supt. Felicisimo Khu, deputy PNP regional director ng Regon 12 at head ng Task Force Alpha, at S/Supt. Willy Dangane, chief of police ng Cotabato City PNP at siyang deputy enforcement officer ng Task Force Alpha, kasama ang dalawang batallion ng 601st brigade sa pangunguna naman ng acting commanding officer na si Col. Leo Ferrer.

Samantala, balot din ng tensyon ang ilang mga lugar sa Maguindanao kasunod ng deklarasyon na pagsasailalim ng state of Martial Law.

Makikita umano ang ilang mga residente na sakay ng tricycle, sa pedicab na nag-alsa balutan paalis sa kanilang mga tahanan, habang ang mga iba naman ay nag-aabang ng mga pampasaherong sasakyan sa national highway.

Bagama’t wala pa namang nangyayaring engkwentro sa mga tropa ng pamahalaan at mga armed groups ng mga Ampatuan, nangangamba ang ilang mga residente na baka maipit sila kung sakali.

Ang iba sa mga nag-e-evacuate ay patungo sa Sultan Kudarat, Cotabato City o kaya sa lugar ng Esperanza sa Maguindanao.

Napansin din ang nakasarang ilang mga tindahan o establisyemento dahil sa takot sa anumang mangyayari kaysa manganib ang kanilang buhay.

Habang patuloy ang paghaluglog ng mga sundalo, napansin ng Bombo Radyo ang nakaparadang dalawang Simba tank sa entrada nga provincial capitol habang sa loob ng compound ay makikita din ang isang armored personnel carrier.

Nakapuwesto din ang mga naka-full battle gear na mga sundalo, at may dalawang mortar at .50 caliber machine gun.

Nauna ng inihayag ni AFP chief of staff Gen. Victor Ibrado na aabutin sa 4,000 mga sundalo ang nakaposisyon sa Maguindanao upang linisin sa mga private armed groups.

Dec 062009

Nilinaw ngayon ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na inabisuhan sila ng gobyerno ng Pilipinas sa pagdedeklara ng Martial Law sa lalawigan ng Maguindanao.

Kinumpirma ni MILF vice chairman for Political Affairs Ghadzali Jaafar, na maaga pa lang ay sinabihan na sila ng ceasefire committee sa pagpapatupad ng Batas Militar.

Giit ni Jaafar, naintindhan nila na ang deklarasyon ay hindi sakop ang mga teritoryo na hawak ng MILF.

Tiniyak din naman ni Toks Ebrahim, chairman ng MILF committee on the Cessation of Hostilities (CCCH), na maganda ang naging koordinasyon sa kanila ng kanyang counterpart na si M/Gen. Reynaldo Sealana.

“We are in close contact with our counterpart in the government… and they assured us that this declaration is solely to contain the effects of the massacre,” ani Ebrahim sa statement sa MILF website.

Dagdag pa ng MILF, nagpapakita lamang ito na gumagana ang apparatus ng ceasefire kung saan sakaling maglunsad ng pursuit operations sa mga armed groups ng mga Ampatuan ay makikipag-coordinate sa kanila upang maiwasan ang misencounter.

Ayon naman kay B/Gen. Gaudencio Pangilinan, chief ng civil relations service ng AFP kabilang sa mga lugar na hindi sakop ng Martial Law ay ang dalawang area sa Talayan at isang spot din sa Simuway Town sa Maguindanao.

Sila ay exempted sa Batas Militar dahil nakapaloob ito sa GRP-MILF Cessation of Hostilities Agreement.

Ang ceasefire ng magkabilang panig ay umiiral noon pang 1997.  Habang ngayong darating na Disyembre 8, ay muling sisimulan ang formal peace talks sa Malaysia.

Nauna rito, malinaw na tinukoy ng Pangulong Arroyo sa Proclamation 1959 na hindi kasali ang teritoryo ng MILF sa state of Martial Law.

“Sec. 1, there is hereby declared a state of martial law in the province of Maguindanao except for the identified areas of the Moro Islamic Liberation Front as referred to in the implementing operational guidelines of the GRP-MILF agreement on the General Cessation of Hostilities.”

Dec 062009

MARTIAL LAW DECLARATIONIbinulgar ngayon ni Department of Justice (DoJ) Secretary Agnes Devanadera na ang bantang rebelyon ng mga supporters ng pamilya Ampatuan ang isa sa dahilan kung bakit nagdeklara ang Pangulong Gloria Arroyo ng state of Martial Law sa lalawigan ng Maguindanao.

Inamin naman ni B/Gen. Gaudencio Pangilinan, chief ng civil relations service ng AFP na natukoy mula sa intelligence report ang walong lugar sa Maguindanao na merong nagtitipon na mga armadong grupo na posibleng mag-alsa laban sa pamahalaan.

Ayon pa sa heneral ang walong spots ay may 50 hanggang hangang 20 armadong katao na naghahanda na makipagdigma at may matataas na kalibre ng baril.

Idinagdag naman ni Devadera na hindi na nagpa-function ang lokal na pamahalaan ng Maguindanao, wala ng pumapasok na lokal na opisyal, at maging ang mga huwes ay walang gustong humawak sa kaso sa pagmasaker sa 57 katao.

Giit pa ni Devadera, ang mga munisipyo umano ay isinara na rin at ang ibang mga empleyado ay wala ng ginawa kundi mag-people power.

“Not just fight back but alisin ang Maguindanao sa duly constituted authority…  Sa kanilang pananakot hindi na pumapasok ang mga tao, hindi na sinusunod batas, ang duly constituted government,” ani Devanadera.

Ang paghahayag ng mga ito sa ilang detalye ay bilang kasagutan mula sa batikos ng ilang mambabatas na “over kill” ang pagdedeklara ng Martial Law.

Samantala, nakapaloob din sa Proclamation No. 1959 ang kabilang sa dahilan ng hakbangin ng pagdedeklara ng batas militar.

“Whereas, heavily armed groups in the province of Maguindanao have established positions to resist government troops thereby depriving the Executive of its powers and prerogatives to enforce the laws of the land to maintain public order and safety.”

Dec 062009

Proclaiming a State of Martial Law and suspending privilege of the writ of habeas corpus in the province of Maguindanao except for certain areas.

Whereas, Proclamation No. 1946 was issued on 24 Nov. 2009 declaring a state of emergency in the provinces of Maguindanao, Sultan Kudarat and the City of Cotabato for the purpose of preventing and suppressing lawless violence in the aforesaid areas.

Whereas, Sec. 18 Art. VII of the Constitution provides that “in case of invasion or rebellion, when public safety requires it, the President may, for a period not exceeding 60 days, suspend the privilege of the writ of habeas corpus or place the Philippines or any part thereof under martial law.”

Whereas, R. A. 6986 provides that “the crime of rebellion or insurrection is committed by rising publicly and taking arms against the government for the purpose of depriving the Chief Executive or the Legislature, wholly or partially, of any of their powers or prerogatives.”

Whereas, heavily armed groups in the province of Maguindanao have established positions to resist government troops thereby depriving the Executive of its powers and prerogatives to enforce the laws of the land to maintain public order and safety.

Whereas, the condition of peace and order in the province of Maguindanao has deteriorated to the extent that local judicial system and other government mechanisms in the province are not functioning; thus, endangering public safety.

Whereas, the implementing operational guidelines of the GRP-MILF agreement on the General Cessation of Hostilities dated 14 Nov. 1997 provides that the following is considered a prohibited hostile act: “establishment of checkpoints except those necessary for the GRP’s enforcement and maintenance of peace and order and for the defense and security of the MILF in their identified areas as jointly determined by GRP and MILF.”

Now, therefore I, Gloria Macapagal-Arroyo, President of the Republic of the Philippines, by virtue of the powers vested in me by the Constitution and by law, do hereby proclaim as follows:

Sec. 1, there is hereby declared a state of martial law in the province of Maguindanao except for the identified areas of the Moro Islamic Liberation Front as referred to in the implementing operational guidelines of the GRP-MILF agreement on the General Cessation of Hostilities.

Sec. 2, the privilege of the writ of habeas corpus shall likewise be suspended in the aforesaid area for the duration of the state of martial law.

Done in the City of Manila this 4th day of December in the year of our Lord, Two Thousand and Nine.

(Originally Signed)
Gloria M. Arroyo

By the President:

(Originally Signed)
Eduardo Ermita
Executive Secretary

Note: Sec. Ermita, explained PGMA signed Proclamation No. 1959, 9pm, Dec. 4, 2009

Dec 062009

(Update) ZAMBOANGA CITY – Isa ang patay, habang pito ang sugatan kabilang na ang limang mga pulis at isang bata ng yanigin ng pagsabog ang Jolo Police Station kaninang alas kuwatro ng madaling araw.

Sa report ni Bombo Analy Soberano, sinasabing unang narinig ang isang malakas na pagsabog at ilang minuto pa lamang ay nasunog na ang himpilan ng pulisya.

Agad namang rumesponde ang lahat ng emergency services ng Jolo gaya ng bombero, mga pulis at miyembro ng Philippine Marines.

Dakong alas singko na ng umaga naapula na ang sunog.

Inaalam na ngayon ng mga otoridad kung ang nasabing insidente ay may kaugnayan sa grupong Abu Sayyaf o kung ito’y isang aksidente lamang.

Nagpapatuloy pa ngayon ang imbestigasyon kung anong klaseng bomba ang sumabog.

Agad namang dinala sa Sulu Provincial hospital ang anim na mga sugatan.

Dec 042009

Kinumpirma ngayon sa Bombo Radyo ni Col. Leo Ferrer, commander ng Army’s 601st Brigade na pinasok na ng pinagsanib na pwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang apat sa mga mansyon ng mga Ampatuan.

Bitbit ng mga otoridad ang search warrant na nag-aatas sa mga otoridad na halughugin ang mga bahay upang matiyak kung dito nga nakatago ang mga matataas na kalibre ng baril na ginamit sa Ampatuan, Maguindanao massacre.

Unang pinasok ng mga sundalo at pulis ang bahay ni Datu Unsay Mayor Datu Andal Ampatuan Jr., habang kasunod na rin nito ang paggalugad ng bahay ni Datu Andal Ampatuan Sr.

Ang nabanggit na mga bahay ay pawang matatagpuan sa bayan ng Sharif Aguak ng naturan ding lalawigan.

Una dito, 3,000 miyembro ng special forces ang pomoste sa paligid ng mga bahay upang matiyak na hindi makakatakas ang sinuman sa mga Ampatuan.

Nananatili namang tensyonado sa lugar dahil sa posibilidad ng pakiki-alam ng ilan sa mga tauhan ng nabanggit na angkan.

Dec 042009

Kinumpirma ngayon ng Armed Forces of the Philippines (AFP)  na galing sa  arsenal ng gobyerno ang narekober na mga kahon-kahong bala kasama ang sangkaterbang iba’t ibang uri ng armas sa Brgy. Poblacion 3, Shariff Aguak, Maguindanao.

Ayon kay Col. Leo Cresente Ferrer, Philippine Army’s 601st Infantry Brigade acting commander, ang nasabing mga ammunition boxes ay may marka ng Armscor, na nangangahulugan umanong nanggaling ang mga ito sa  Government Arsenal sa  Bataan.

Ang kompaniyang Arms Corporation of the Philippines (Armscor) ay siyang supplier ng mga bala ng Armed Forces at Philippine National Police.

Sa isang hiwalay na panayam, sinabi naman ni AFP spokesman Lt. Col. Romeo Brawner, Jr. na ang ilan sa mga kahon ng bala ay may marka din ng Department of Defense (DND) Arsenal.

Halos magdamag na naghukay ang pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Brgy. Poblacion 3, Shariff Aguak, Maguindanao, sa likod mismo ng bahay ni ARMM Gov. Zaldy Ampatuan.

Kabilang sa mga narekober na armas ay:

2 81mm mortars;
1 60mm mortar;
2 90mm at 1 57mm recoilless rifles (bazookas);
4 M60 machine guns;
1 caliber .50 Barrett sniper rifle;
200 iba pang uri ng mga high-powered guns;
1 Ultimax light machine gun;
1 Bushmaster 5.56mm carbine;
2 Browning Automatic rifles (BARs);
1 FAL automatic rifle;
1 AK-47;
1 Heckler & Koch HK 11 light support machine gun;
1 5.56mm M4 carbine;
1 9mm at caliber .45 pistols.

Ginawa ang paghukay batay na rin sa isang intelligence report na natanggap ng PNP at AFP.

Umaabot din na umano sa halos tatlong mini-truck na mga bala ang nahukay.

Kasama rin sa mga nahukay ay mga uniporme ng sundalo, mga bala mula sa 60mm at 80mm mortar, baril na 90 recoilles rifle, machine gun, barrett sniper rifle, at mga armalite rifle.

Tinataya ng mga otoridad na kung mahuhukay o makukuha lahat ang mga nakabaong mga armas at bala ay kaya umano nitong armasan ang may tatlong batalyong sundalo.

Ang hinukay na mga armas ay hinihinalang ginamit sa nangyaring masaker sa Maguindanao.