LEGAZPI CITY – Malaki na umano ang pagbabago ng aktibidad ng Mayon at ito’y naitala simula ng iakyat sa alert level 4 ang alarma ng bulkan.
Sa panayam sa mga opisyal ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO), inisa-isa ni Phivolcs Director Renato Solidum ang mga pagbabagong naganap sa Mayon.
Partikular na tinukoy ni Solidum ay ang “eruption characteristics” ng bulkan kung saan Disyembre 14-15 ay dahan-dahan ang paglabas ng lava flow subalit nitong Linggo ng gabi ay nagkaroon na ng pagsabog na unti-unting lumalakas.
Umaga ng Linggo, umabot ng 200 metro ang lava fountaining pero ng kinagabihan, isang kilometro na ang inabot nito at itinatapon patungong silangang bahagi.
Napansin din ang patuloy na pagbuga ng abo na merong kasamang bato, ang tayog ng ash column o eruption column na umaabot na sa dalawang kilometro na noong una ay mababa lamang.
Ang “visual manifestation” din ng Mayon ay nagbabago, kasabay nito ang dagundong na naririnig na rin sa lungsod ng Legazpi.
Dagdag pa nito, dahil na rin sa lava deposits sa southern slope ng Mayon, mapapansin na rin ngayon na maraming nahuhulog na mga bato at ang iba ay nagdudulot ng pyroclastic flow.
Kahapon ng umaga ay naganap ang malaki-laking pagkahulog.
Inamin nito na sa ngayon ay dalawa ang pinagmumulan ng abo sa bulkan, ang gumugulong na mga bato kasama ang pyroclastic flow at nagmumula mismo sa crater ng Mayon.
Inihayag naman ni Ed Laguerta, resident volcanologist ng Phivolcs Albay na kinokonsidera nila ang mga nakaraang naganap na pagputok ng bulkan para magkaroon ng mainam na assesment.
Ang bawat cycle raw ng eruption ay merong dapat na ikonsidera na kailangang pag-aralan ng ahensya.
Batay sa pagsukat ng geologists ng Phivolcs sa volume ng ibinubuga ng Mayon, umaabot na ito ng 20 million cubic meters habang nasa limang kilometro naman ang lava flow na umaabot na sa Buyuan-Padang area sa lungsod ng Legazpi.
Subalit, maaaring lumagpas pa sa 20 million cubic meters ang volume dahil ang average nito ay naglalaro sa 50-60 million cubic meters.
Ikinumpara nito ang mga pagputok ng bulkan ng mga nakaraang taon kung saan noong 1984 eruption, tumahimik ng ilang araw na halos masasabing tapos na subalit makalipas ang tatlo hanggang apat na araw ay naganap ang mas malakas na pagsabog ng Mayon.
Dahil dito, patuloy ang kanilang pagmamanman at pagbabantay sa mga gawi ng bulkan na nananatiling nakataas sa alert level 4.
Humabol sa Kapaskuhan ang 12 Filipino seafarers na nakaligtas sa paglubog ng kanilang Panamian ship matapos maipit sa pagragasa ng bagyo sa Lebanon.
Maliban dito, 173 pang mga OFWs na nagkaroon ng problema sa kanilang visa ang inayos ng Department of Foreign Affairs para makauwi na ng bansa.
Batay sa report ni Charges d’ affaires ad interim Mohammed Noordin Pendosina Lomondot sa DFA, kabilang sa umalis mula Beirut at nakabalik na kaninang umaga ay sina Rafael Tarroza, Erasmo Galanza, Leoleni Babao, Rogelio Dequina, Joebert Benoman at Jowey Quinto.
Ang sunod na batch na kinabibilangan nina Jason Mosino, Danilo Policarpio, Lezer Gepulgani, Michael Olivia, Edgardo Pucan at Jonathan Roda na dumating ngayong hapon.
Samantala, pabalik na rin ng bansa ang 144 OFWs na galing sa Lebanon, Jeddah, at Damascus na naunang nagtago sa Filipino Workers Resource Center and Caritas sa Lebanon.
Sa December 28, darating ang 39 OFWs at tatlo pang menor de edad at sunod na uuwi sa December 29 ang 105 pang OFWs.
Sinabi ni DFA Undersecretary for Migrant Workers Affairs Estaban Conejos, ang tickets ng mga Pinoy ay sagot ng Assistance to Nationals (ATN) funds.
Sa December 26, uuwi din ang 25 Filipinos mula Jeddah, Saudi Arabia habang apat ang manggagaling sa Damascus, Syria.
Itinaas ngayong gabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang alert level No. 3 mula sa alert level No. 2 ng Mayon dahilan sa pag-ibayo pa ng nagbabagang materyal mula sa crater ng bulkan.
Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum, nakumpirma umano ng kanilang Phivolcs Albay ang pagkakaroon ng incandescent o pagbabaga sa bunganga ng bulkan.
Nagpaliwanag pa si Solidum na kapag-itinaas na sa alert level 3 ay posibleng magpatuloy ito sa delikadong pagsabog.
Inilarawan pa nito ang nangyayari ngayon na dahan dahang paglabas ng magma at nagkakaroon ng maliit na explosion.
Kaugnay nito, inirekomenda rin ng Phivolcs na wala ng dapat mga residente sa loob ng six kilometers danger zone, habang sa bahagi ng southeast sector ng bulkan ay hanggang sa loob ng seven kilometers.
Sa report ng Bombo Radyo Legazpi, tuloy-tuloy umano ang pag-agos ng lava mula sa bunganga ng bulkan.
Mapapansin na nag-intensify rin ang crater glow o banaag sa bunganga ng bulkan palatandaan na mas tumaas ngayon ang abnormality level nito.
Samantala, ipinag- utos na ni Gov. Joey Salceda sa lahat ng LGUs na ihanda at i-activate ang kanilang mga evacuation plans.
Naka-prepositioned na rin ngayon ang mga evacuation vehicles ng Joint Task Force Mayon batay na rin sa naging kautusan ng gobernador na simulan ang paglilikas bukas.
Nauna rito, kinumpirma rin Phivolcs kaninang hapon na kabuuang lima ang naitalang ashfalls ngayong araw lamang.
Ayon kay Alex Baloloy ng Phivolcs Legazpi, una nilang naitala ang pagbuga ng abo dakong alas-7:04 kaninang umaga; sinundan ito ng alas-10:38 subalit hindi raw masyadong nasilayan.
Habang dakong alas-12:15; 12:21 at ang pinakahuling pagbuga ngayong araw ay naitala ganap na 1:04 kaninang hapon.
Ang pag-detach ng mga bato sa lava dome ng Mayon volcano ang pinakadahilan kung bakit naganap ang sunod-sunod na ash explosions at mataas na pagyanig na umabot sa 43 sa loob ng nakalipas na 24 oras
LEGAZPI CITY – Animo’y nagpakitang gilas ang bulkang Mayon sa mga bagong dating na Phivolcs experts na nagsasagawa ng deformation survey sa kasalukuyang kalagayan nito.
Ito’y matapos na magtala ng sunod-sunod ng pagyanig ang bulkan sa nakalipas na 24 na oras.
Kabuuang siyam na low frequency volcanic quakes ang naitala ng ahensya at above normal average na 589 metric tons na surfur dioxide emission.
Mas mataas ito sa mga naitala sa nakalipas na isang linggo.
Samantala, mahigpit ang monitoring ng Phivolcs sa magma intrusion at crater glow ng Mayon volcano na nananatili ang alarma nito sa alert level two.
Bagama’t una ng tinukoy ang mga Ampatuan sa nangyaring massacre sa Sitio Masalay, kung saan sa kasalukuyan ay 48 bangkay na ang narekober, pero ngayong umaga lamang kinumpirma ni PNP spokesman Chief Supt. Leonardo Espina, na ang grupo ni Buluan Mayor Datu Andal “Unsay” Ampatuan Jr., ang tinuturing ng pangunahing suspek sa kremin.
Ayon kay Espina, lumalabas sa kanilang imbestigasyon na ang mga armadong grupo ni Mayor Unsay ang humarang sa convoy ng political rival na si Jenalyn Mangudadatu, bago natagpuan ang bangkay ng mga ito na tadtad ng tama ng bala sa isang mass grave.
“According to the initial reports, those who were abducted and murdered at Saniag were initially stopped by a group led by the mayor of Datu Unsay,” ani Espina sa isang panayam.
Pero, iwas pa rin ang tagapagsalita ng PNP na ihayag kung may mangyayaring pagaresto sa lalong madaling panahon laban sa alkalde.
Samantala, binigyang katiyakan ng PNP na kasamang iniimbestigahan na rin ngayon ang ilan sa kanilang mga tauhan, kaugnay sa nangyaring Maguindanao massacre.
Sa isang panayam ngayong umaga kay PNP spokesman Chief Superintendent Leonardo Espina, ipinagutos na ng liderato ng PNP na alamin kung bakit hindi kaagad rumesponde at naimbetahan ang pamilyang Ampatuan matapos direktang isangkot sa nasabing kremin.
“Isa sa mga points na iniimbestigahan ngayon.. bakit hindi kaagad iniimbetahan because he (Unsay Ampatuan) was already being implicated,” dagdag ni Espina.
Una na ring pinasibak ni PNP chief Director Gen. Jesus Versoza ang mismong police provincial director at deputy nito sa Maguindanao at ilan pa sa mga miyembro ng provincial police.
Nanawagan ngayon ang pamunuan ng Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas (KBP) sa mga miyembro nito na magsuot ng itim na ribbon o black arm band, para iprotesta ang Maguindanao massacre at ipakita ang pakikisimpatiya sa mga pamilya ng biktima.
Ayon kay KBP Pres. Herman Basbano, panawagan na rin ito sa mga otoridad na agarang aksyunan ang nangyari sa mga miyembro ng media at papanagutin sa batas ang mga responsable sa karumal dumal na krimen.
Una rito, mariing kinondena ng KBP ang nangyaring masaker sa Maguindanao kung saan 46 na ang kumpirmadong patay kabilang na ang ang ilang mediamen at kasama ang chief reporter ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayon kay Basbaño, ang nasa likod umano ng nabanggit na pangyayari ay nagpapakita lamang ng kawalan ng pagpapahalaga sa buhay ng tao.
Ang naturang insidente ay hindi aniya magandang senyales sa nalalapit na halalan.
Sinabi pa ni Basbaño na nakakalungkot umano ito kaya nakikiisa ang KBP sa mga panawagan sa mga otoridad na gumawa ng mabilis na aksiyon at habulin sinuman ang nasa likod nito.
Tiniyak din naman ng KBP na gagawa ng mga karampatang mga hakbang upang maproteksyunan ang mga broadcast journalists na nagko-cover sa mahahalagang kaganapan lalo na ang palapit na halalan.
Pinagbawalan na ng korte sina Deputy National Security Adviser Luis Chavit Singson at dati nitong common-law wife na si Rachel Tiongson na magbibigay ng anumang pahayag sa media hinggil sa kinasasangkutan nilang gulo.
Ang naturang gag order ay inilabas ni Quezon City Regional Trial Court Branch 60 Judge Angelyn Mary Kimpo-Salen sa isinagawang pagdinig kanina.
Ayon kay Atty. Dexter Lacuanan, abugado ni Che, ini-utos ng huwes na huwag maglabas ng kahit na anong pahayag sa media ang magkabilang panig dahil pribadong usapin umano ang kaso.
Dahil may inilabas na gag order, walang linaw kung ano ang nangyari sa hinihinging protection order ni Che sa korte laban kay Chavit.
Ang susunod na pagdinig ay itinakda sa Setyembre 30.
Sa kabilang dako, nagkagulo naman ang media at nagkatulakan sa pagtatapos ng pagdinig kanina paglabas ng grupo ni Che.
Samantala, wala munang ipapataw na parusa si National Security Adviser Norberto Gonzales sa kanyang deputy na si Luis Chavit Singson kaugnay ng kinasasangkutan nitong gulo matapos umanong bugbugin ang dating kinakasamang si Rachel.
Ayon kay Gonzales, ayaw niyang husgahan ang mga nagawa ni Singson matapos itong akusahan na sinaktan si Che at ang kasalukuyan nitong boyfriend.
Una rito, sinabi ni Singson na ipapaubaya na niya ang kapalaran kay Gonzales na nakausap na umano niya bagamat tumanggi na itong magbigay ng detalye kung ano ang kanilang napag-usapan at kung ano ang mga instruction nito sa kanya.
Tiniyak din nitong handa siyang ipaliwanag ang kanyang panig sa mga women’s group na sumusuporta kay Che kabilang na ang Gabriela.
Naniniwala umano siyang maiintindihan siya ng mga ito sa sandaling mailabas niya ang kanyang panig at maipamukha kung anong klaseng babae si Che.
Ipapakita umano niya ang mga ebidensya sa korte kasabay ng pagiit na wala siyang ginamit na government resources sa paniniktik kay Che at boyfriend nito.
Maging ang pag-intercept aniya ng mga text messages ay madali ring gawin, bagay na ipapaliwanag umano niya sa korte.
Tiniyak ni Deputy National Security Adviser Luis Chavit Singson na kompleto siya ng records at dokumento ng pagtataksil sa kanya ng dating kinakasamang si Che at kalaguyo nito.
Ayon kay Chavit, sa isang buwang pagsu-surveillance niya sa dalawa ay nakalap niya lahat ng kinakailangang ebidensya pati na umano ang mga larawan ng dalawa habang nagtatalik.
Kantiyaw pa ng opisyal na hindi niya alam kung bakit napakayabang ng lalaki sa dami ng girlfriend na ang iba ay may asawa pa gayong maliit naman umano ang ari nito at pwedeng ipasok sa Guiness Book of World Records.
Umapela rin si Chavit sa women’s group na Gabriella na mag-imbestiga muna bago tulungan si Che.
Hindi umano masamang tumulong kung talagang nangangailangan ng tulong ang babae ngunit sa tingin niya ay gagamitin lang umano ni Che ang grupo.
Wala ring pinagsisisihan si Chavit sa ginawa niya sa dating kinakasamang si Che at kalaguyo nito matapos umano niyang mahuli sa akto ang dalawa na nagtataksil sa kanya.
Ayon kay Chavit, mabuti ngang hindi niya pinatay ang mga ito na siya umanong kadalasang ginagawa ng mga lalaking nadidiskobre ang pangangaliwa ng babae.
Ibinibigay na umano niya ang pagkakataong patayin ang kalaguyo ni Che sa iba pang lalaki na ang asawa ay karelasyon din nito.
Dagdag pa ni Chavit, noong unang beses na nahuli niyang nagtataksil si Che ay hindi niya ito sinaktan at sa halip ay pinalayas lamang kaya’t hindi umano siya papayag na sa pangalawang pagkakataon ay muli siya nitong pagtataksilan.
Hindi naman umano masasaktan ang dalawa kung walang ginawang masama.
Inihayag din ni Chavit na para pa siyang nabunutan ng tinik sa nangyari sa kanila ng kinakasamang si Che.
Sa ngayon ay wala pa umano siyang bagong karelasyon at pabirong idinagdag na naghaharap pa lamang siya ng susunod na girlfriend.
Paliwanag ng opisyal, wala sana siyang balak na ibuyagyag sa publiko ang problema niya sa lovelife pero dahil lumabas si Che at nagpatawag ng media para kasuhan siya ay nagpasya siyang unahan na ito.
Alam umano niyang may binabalak si Che kung kaya’t kahit alam niyang maaapektuhan ang lima nilang anak ay minabuti niyang magsalita.
Sa kasalukuyan umano ay nasa kostudiya niya ang lima nilang anak at kung gugustuhin ng mga itong sumama kay Che ay papayagan niya.
Gayunman, ayaw umanong umalis ng mga bata sa kanyang poder dahil alam ng lima kung anong klaseng ina si Che.
Una rito, maliban sa inihaing kaso, hiniling ng dating kinakasama ni Chavit na pagkalooban siya ng temporary protection order mula sa dating gobernador.
Nagharap ng reklamo sa family court sa Quezon City ang dating kinakasama ni Singson na si Che dahil umano sa pananakit ni Chavit sa kanya.
Reklamong paglabag sa Republic Act 9262 o anti-violence against women and their children ang inihaing kaso laban sa dating gobernador.
Sa kasalukuyan ay hindi pa nagbibigay ng pahayag ang dating kinakasama ni Chavit.
Nananatili umanong “guarded” ang kondisyon ngayon ng isinilang na sanggol na dalawa ang ulo sa Jose Fabella Memorial Hospital sa Maynila.
Ito ay batay sa pinakahuling impormasyon na inilabas ng ospital sa conjoined twins na kinilala bilang Baby Girl Arciaga.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Doctor Ruben Flores, ang director ng pagamutan, na kanina ay nasa neonatal intensive care unit ang kambal habang tumatanggap ng antibiotics treatment para sa neo-natal pneumonia.
Kinumpirma din naman ni Flores na inilipat na sa Philippine Heart Center sa Quezon City ang sanggol dahil batay sa isinagawang initial work-up kanina ay mayroon itong congenital heart abnormalities.
Inaasahan umanong magkakaroon ng komplikasyon tulad ng cardiac problems kaya’t makabubuti kung ililipat ito sa lugar na may maayos na kagamitan para sa mga ito.
Paliwanag naman ni Doctor Eden Latosa, isang pediatric cardiologist, napag-alaman mula sa isinagawang 2-D echo o health ultrasound test na mayroon ang sanggol na dalawang set ng puso na contained sa isang sac.
Ang kaliwang puso umano ay normal kung ikukumpara sa kanang puso bagamat ang dalawa ay parehong may congenital abnormalities.
Ang mga ulo umano ng sanggol ay nagiging kulay asul kapag umiiyak ang mga ito dahil sa kondisyon ng kanilang puso.
Paliwanag pa ni Latosa, iisa ang atay, tiyan at pares ng kidney ng conjoined twins bagamat nakakatanggap na sapat na supply ng dugo ang ulo.
Parehong tiniyak ng dalawang opisyal na imposibleng matanggal ang isa sa dalawang ulo.
Matatandaang ang sanggol ay isinilang ng 29-anyos na ina mula sa Muntinlupa sa pamamagitan ng cesarean section.
Samantala, humihingi ng tulong ang pamunuan ng Jose Fabella Memorial Hospital para sa sanggol at may ilan na ring nangakong tutulong.
Bagama’t sinabi ni Dr. Flores, na tutulungan nila ang sanggol at ang pamilya nito ay mas makabubuti umano kung mas marami ang tutulong dito.
Sinabi pa sa Bombo Radyo ni Dr. Flores na hindi pa niya irerekomenda na dalhin sa ibang bansa ang sanggol at kaya pa naman itong pangalagaan ng Phil. Heart Center.
Ayon pa kay Dr. Flores, ang mismong mga magulang ng sanggol ang lumapit sa media para ipaalam sa publiko ang lagay ng kanilang anak.
Nananawagan ng tulong pinansyal ang pamilya ng sanggol na may dalawang ulo na ipinanganak kagabi sa Fabella Memorial Hospital sa lungsod ng Maynila.
Ikinagulat ng mag-asawang Salvador Argando Jr. at Cathy ng iluwal ang ikalimang anak bandang alas otso ng gabi na iisa ang katawan, dalawa ang kamay at paa pero dalawa ang ulo.
Hindi napigilan ng ama ang emosyon at napaluha sa kalagayan ng anak lalo pa’t inihayag ng doktor na hindi alam kung hanggang kailan tatagal ang bata.
Wala naman daw problema sa pagbubuntis ni Cathy at wala itong napaglihian kaya nagtataka sila kung bakit naging ganoon ang kalagayan ng anak.
Pero ang lola ng bata, nakaramdam na daw ng takot at kakaibang pangamba bago ilabas ang sanggol.
Inihayag ng ginang na may history ito sa panganganak ng kambal pero normal naman daw at walang naging problema.
Tanggap naman ng pamilya ang kalagayan ng bata at umaapela sila ng tulong para madugtungan ang buhay ng bata.
Kulang umano ang kinikita ni Salvador sa pagta-tricycle para bayaran ang gastusin sa ospital at sa operasyon para maibalik sa normal ang kalagayan ng sanggol.

Recent Comments