ILOILO CITY– Nakalusot sa Iloilo Provincial Comelec ang 18 anyos nga kandidato sang Liberal Party (LP) nga nagfile sang iya Certificate of Candidacy (CoC) sa pagka board member sa probinsya sang Iloilo.
Nahibaluan nga base sa Sec. 39 sang R.A. 7610 ukon Local Government Code of 1991 sa idalum sang Elective Officials, nakasaad nga ang kandidato nga magapapili sa isa ka posisyon dapat naga edad sang 21 anyos antes ukon sa mismu adlaw sang eleksyon.
Sunu kay Provincial Comelec Supervisor Elizabeth Doronila, mismu ang iya mga kapartido ang nagkumpirma nga 18 anyos pa gid lamang ang edad sang ila kaupod nga si Nonito Pazuelo Jr.
Kasunod sini ginahanda na sang partido ang kandidato nga ila ibulos kay Pazuelo.
Nagpaathag naman si Doronila sa Bombo Radyo Iloilo nga posible bangud sa ila kasakuon bangud sa madamu nga kandidato nga nagfile sang CoC, wala nila natalupangdan ang 18 anyos nga kandidato nga nagfile man sang CoC.
CAGAYAN DE ORO – Isang pari na Roman Catholic ang naghain ng kanyang certificate of candidacy (CoC) sa tanggapan ng provincial Comelec sa Bukidnon para tumakbo bilang gobernador.
Marami ang nagulat at nasorpresa sa hakbangin ni Father Diosdado Tabios na parish priest ng Valencia, Bukidnon ng magtungo sa tanggapan ng Comelec.
Una rito, naghain ng leave of absence sa kanyang tungkulin si Father Tabios dahil sa desisyon nitong tutuloy sa politika.
Napag-alaman din na maraming humihikayat kay Father Tabios na tumakbo sa pagka-gobernador sa lalawigan kung kaya’t nagdesisyon itong maghain ng CoC.
Makakatunggali ni Father Tabios sa gubernatorial race sina incumbent Vice-Governor Alex Calingasan at dating gobernador na si Ernesto Tabios na kilala ring kamag-anak ni Father Tabios.
Samantala, naghain na rin si incumbent Bukidnon Gov. Jose Maria Zubiri sa kanyang CoC upang tumakbo bilang bise-gobernador sa nasabing lalawigan.
ALABEL, Sarangani – Dakong alas 5:08 ngayong hapon ng pormal na maghain ng kanyang certiticate of candidacy (CoC) si WBO welterweight champion Manny Pacquiao para tumakbong kongresista sa May 2010 elections.
Kasama ni Pacman na nagtungo sa Comelec office sa capitol compound ng Alabel, Sarangani province, ang kanyang misis na si Jinkee Pacquiao, si Mommy Dionesia, mga kapartido sa People’s Champ Movement (PCM), at mga fans.
Sa report ni Bombo Janjan Macailing, inihain ni Manny ang kanyang CoC kay acting provincial Comelec officer Mrs. Gertrudes Omania.
Nauna rito, dumalo muna sa selebrasyon ng banal na misa si Pacquiao kaninang umaga sa St. Michael Parish sa Brgy. City Heights sa lungsod ng General Santos.
Matapos ang misa, nag-convoy na ang grupo ni Pacquiao patungong Sarangani province.
Kasama din nito na naghain ng kandidatura ang ka-tandem na si Juan Domino na tatakbong gobernador at si Fred Basino bilang bise-gobernador.
Napag-alamang una ng nag-file ng CoC ang mga kasamahan sa partido ni Pacman mula sa posisyon bilang alkalde hanggang sa mababang puwesto sa pitong munisipyo na kinabibilangan ng Malungon, Maasim, Kiamba, Maitum, Alabel, Malapatan at Glan, Sarangani province.
Hindi pa rin maituturing na nagbitiw sa puwesto ang mga appointed officials kapag naghain na sila ng certificate of candidacy (CoC).
Sa botong 8-6, pinapawalang bisa ng Supreme Court ang naunang kautusan ng Commission on Election na nagsasabing oras na naghain ng CoC ang isang kawani o appointed official ng pamahalaan ay maituturing na itong nagbitiw sa puwesto.
Sinabi ni Atty. Jose Midas Marquez, tagapagsalita ng Korte Suprema, ginawang pantay ng Kataas-taasang hukuman ang karapatan ng mga elected at appointed officials ng pamahalaan.
“Ginawang pantay ng Kataas-taasang hukuman ang mga elected at appointed official. Because elected official, even after filing their respective certificate of candidacy (CoC) can still hold office until the end of their term. The court said that appointed officials should not be distinguished from elected officials,” ani Atty. Marquez.
Kabilang sa mga walong mahistrado na bomoto at nagsasabing hindi pa rin resign ang mga appointed officials ay sina Justices Eduardo Nachura, na siyang sumulat sa opinion, Renato Corona, Minita Chico-Nazario, Presbetiro Velasco Jr., Teresita Leonardo-de Castro, Arturo Brion, Lucan Bersamin, at Mariano Del Castillo.
Habang ang anim na nagsasabing dapat magbitiw sa tungkulin ay sina Chief Justice Reynato Puno, Sr. Justice Antonio Carpio, Conchita Carpio-Morales, Diosdado Peralta, Roberto Abad at Martin Villarama Jr.
Matatandaang kinuwestiyon ni Atty. Romulo Macalintal ang nasabing kautusan ng Comelec na nagsasabing hindi maaaring ikonsiderang nagbitiw ang isang opisyal ng pamahalaan kapag nagsumite na sila ng CoC.
(Update) Ikinasorpresa ng ilang political observers ang pagkakabuo ng tambalang Gordon-Fernando, matapos na pormal na maghain ng kanilang certificate of candidacy (CoC) sa Comelec, Intramuros, Maynila.
Bago ang anunsyo ngayong araw ay naging tahimik sina Sen. Richard Gordon at dating Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Bayani “BF” Fernando sa kanilang mga plano para sa 2010 elections kung matutuloy ba o hindi sa pagtakbo.
Sa ginawang pahayag ni Gordon iginiit nito na ang bansa ngayon ay kailangan ang isang lider na may sapat na kakayahan at track record at hindi lang isang political figure.
Sina Gordon at dating Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Fernando ay tatakbo sa ilalim ng Bagumbayan-Volunteers for a New Philippines (VNP) party.
“Our country needs a leader and not just a political figure. We need leaders with vision, competence and track record. We need leaders who know not only what the country needs, but also what should be prioritized among those needs and how each necessity should be addressed,” ani Gordon.
Bago ang paghahain ng COC, nagsagawa muna ng wreath-laying ceremony sina Gordon at Fernando sa monumento nina Lapu-Lapu at Jose Rizal, bilang inspirasyon sa Bagumbayan-VNP party, sa Bagumbayan (Rizal Park) sa lungsod ng Manila.
Mula sa Luneta, naglakad ang dalawa kasama ang mga supporters, at ilang transport groups patungong Comelec office.
“The time has come for action and results! This is a partnership of proven change, transformers of hearts and minds, builders of character and communities for a better Philippines. The future of our country is in our hands. Together, we can build a BAGUMBAYAN,” ayon kay Gordon.
Samantala, wala namang line-up sa mga senatoriables ang partido nina Gordon at Fernando.
INTRAMUROS, Manila – Tiniyak ni Lakas-Kampi CMD standard bearer at dating defense Sec. Gilbert “Gibo” Teodoro na hindi makakaapekto sa kanilang pangangampanya ang pagtakbo ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo bilang kongresista sa ikalawang distrito ng lalawigan ng Pampanga.
Kasabay ng kanyang paghahain ng certificate of candidacy (CoC) kasama ang ka-tandem na actor/TV host na si Edu Manzano sa tanggapan ng Commission on elections (Comelec), sinabi ng dating kalihim na ang kanilang focus sa pangangampanya ay sa national samantalang sa lalawigan naman ng Pampanga ang kay Pangulong Arroyo.
Ngunit hindi diretsahang sinagot ni Teodoro kung makakaapekto sa kanyang kandidatura ang pagtakbo ng Pangulo sa Kongreso na umani ng batikos mula sa oposisyon.
Sinimulan nina Teodoro at Manzano ang araw sa pagdalo muna sa selebrasyon ng banal na misa sa Manila Cathedral bago pormal na naghain ng kani-kanilang CoC.
Pasado alas sais pa lamang ng umaga nasa Intramuros, Maynila na sinabi Teodoro at Manzano, kasama ang ilang kamag-anak at mga supporters.
Samantala, taliwas sa inaasahan walang ni-isang miyembro ng gabinete ni Pangulong Arroyo ang sumama kay Teodoro sa kanyang paghain ng CoC sa Comelec.
Isang kandidato lamang sa pagkasenador ang naging kasama niya at ito ay si Binalonan Mayor Ramon Guico na siya na ring presidente ng League of Municipalities of the Philippines.
Sumama rin si Rey Langit ngunit nakapaghain na ito ng kanyang kandidatura sa pagkasenador sa ilalim ni Lakas-Kampi CMD kahapon.
Inihayag din ni Teodoro na kabilang sa kanyang senatorial line-up ay sina Sen. Lito Lapid na nakapaghain na rin ng kanyang kindidatura at si Sen. Bong Revilla na inaasahang bago magtapos ang deadline ng filing ng CoC ay magtutungo na sa tanggapan ng Comelec.
ROXAS CITY – Pormal na nga nagfile sang Certificate of Candidacy (COC) sa pagka kongresista si anay Capiz 1st District Congressman.
Rodriguez “ Roging ” Dadivas sa provincial comelec office kaina sang hapon.
Magapadalagan ini bilang independent candidate sa pagkakongresista sa una nga distrito sang probinsiya sang Capiz.
Pagkatapos nga makafile sang iya COC , isa ka presscon ang ginpatawag ni Dadivas nga gintambungan sang local media sa probinsiya sang Capiz.
Pila sa mga palamangkutanon ang ginsabat sang anay kongresista kasubong sang matood nga motibo sang iya liwaty nga pagpadalagan sa amo nga posisyon.
Suno diri nga liwat siya magapadalagan sa nasambit nga posisyon bangud sa kagustuhan nga mapadayon ang wala pa natapos nga proyekto.
Sa pihak nga bahin gin-athag naman ni Dadivas nga ang kaso nila sang anak nga si Roxas City Vice Mayor Ronnie Dadivas nga magapadalagan bilang bise alkalde sang amo nga syudad sa idalum sang Liberal Party ang ordinaryo na lamang sa patag sang pulitika, sa diin madamo sang mag-amay ang wala nagapareho sang ideolohiya.
Apang ang importante nga wala nadula ang ila respesto sa tagsa tagsa.
Matandaan nga nakapangalagad na bilang 2 termer congressman si dadivas sa idalum sang Liberal Party, apang ginhinyo sa iya ni Senador Mar Roxas na magpaiway anay ini agud mahatagan ligwa ang kandidatura sang isa pa ka katapo sang LP nga si anay Roxas City Mayor Antonio del Rosario nga karon amo na ang congressman sang 1st district sang Capiz.
GENERAL SANTOS CITY – Hilabihan ang kapuno sa tawo ug halos dili na makaginhawa ang mga empleyado sa Comelec Office sa kapitolyo sa Alabel, Sarangani Province tungod sa ka-huot, human nga miabot boxing hero Manny Pacquiao alang sa pagpasa sa iyahang COC alang sa pagpapili isip kongresista sa Sarangani Province.
Gawas sa iyang mga kaubanan sa partidong People’s Champ Movement (PCM), kauban usab ni Pacquiao sa pagpasa sa iyang COC ang iyahang misis nga si Jinkee Pacquiao ug ang inahan nga si Mrs.Dionesia Pacquiao, apil ang mag igsuong lalaki niini.
Nasuta nga mitungtong na lamang sa lingkuranan sa sulod Comelec Office si Pacman ug ang mga kauban niini aron nga makapasa ug COC.
Nahisusama usab sa star-studded ang pagpasa ug COC ni Pacquiao tungod dili usab magkadimao ang mga tawo sa pagpagsinggit sa dihang nakit-an si Mommy D, kon asa ang pipila ang nagdasok aron makaduol kaniya aron malamano ug magakos ang inahan sa pambansang kamao.
DAVAO CITY – Nanguna sila si House Speaker Prospero “Boy” Nograles ay Mayor Rodrigo Roa Duterte nga niduso sa ilang CoC sa buhatan sa Comelec.
Samtang mikabat na ngadto sa Nueventa y sais ka mga local nga mga kandidato ang nakaduso sa ilang certificate of candidacy alang sa tuig 2010 nga eleksiyon.
Gilakipan na kini sa mga kandidato sa pagka-mayor, bese mayor, kongresista, ug konsehal sa dakbayan sa Davao.
Nagkadaiya nga mga gimmick ang gigamit sa mga kandidato sa pagduso sa ilang CoC sa buhatan sa Comelec.
Nag-una kagahapon nga miduso sa ilang CoC mao sila si Vice Mayor Sara Duterte nga mikandidato sa pagka-mayor ug Mayor Rodrigo Roa Duterte nga mokandidtao sa pagka-bese mayor.
Si Vice Mayor Sara Duterte namahayag nga ang iyang ikasanka sa umaabot nga eleksiyon usa ka trapo kon Traditional Politician nga angayan sumala pa nga matngunan sa katawhan.
Gipadungog-dungog niya si House Speaker Prospero Boy Nograles nga migamit sa mga tawong patay ug sa mga cartoon characters, nga dili haum alang sa usa ka kandidato sa pagka-mayor nga kinahanglan nga mamahimong aktwal nga masayud sa dakbayan nga iyang dumalahon ug dili angay nga magpalaban sa mga cartoon characters, sama kang Batman.
Gipasalig ni Sara Duterte nga sensirong pagpangalagad ang iyang ihatag ngadto sa katawhang dabawenyo.
Sa pagtatapos ng filing ng certificate of candidacy (CoC) para sa mga tatakbong kandidato sa susunod na halalan, sinasabing ang 2010 election ay magiging pinaka-star studded kumpara sa nakalipas na halalan sa kasaysayan.
Sa paglipas kasi ng panahon, madami ng ang mga artista at mamamahayag ang sumusubok sa kanilang kapalaran para makapaglingkod sa kanilang mga nasasakupan.
Una na dito, ang dating FAMAS best actor na si Joseph Estrada na naging pangulo ng bansa at dating radio/TV brodkaster na si Noli De Castro na umabot hanggang bise presidente.
Ngayong 2010, kabilang sa mga artistang tatakbo ay sina Lani Mercado na tatakbong kinatawan ng Cavite, Ogie Diaz, Ara Mina at Alfred Vargas bilang konsehal ng Quezon City.
Tatakbo naman muli si Alma Moreno, bilang Parañaque councilor at QC councilor Aiko Melendez ay lalaban bilang bise alkalde ng lungsod.
Sa Tacloban City, naghain na rin ng CoC si Richard Gomez na tatakbo bilang congressman ng Ormoc.
Maghahain din ng CoC ang actor na si Christopher de Leon, na tatakbong board member ng Batangas, habang si Imelda Papin naman ay bilang senador, at Roderick Paulate bilang konsehal ng Quezon City.
Ilan pa sa mga tatakbo ngayong eleksiyon ay sina 7-time world division champion at pound-for-pound king Manny Pacquiao, re-electionist Senador Lito Lapid at Bong Revilla, Jinggoy Estrada, Manila Vice Mayor Isko Moreno, councilor Yul Selvo at action star at film director Cesar Montano, na gustong maging gobernador ng Bohol.
Nasa listahan din sina Amay Bisaya, Cristina Gonzales-Romualdez bilang Leyte councilor at dating Makati councilor Rico J. Puno.
Sa panig ng mga mamamahayag, magpapa-re-elect si Cainta, Rizal Mayor Mon Ilagan, at tatakbo naman bilang senador sina GMA-7 reporter Alex Tinsay, Kata Inosencio at Rey Langit.
Nagsumite na rin nga kaniyang intensyon para tumakbo bilang gobernador ng Laguna ang former action star na si Jeorge Estregan, Jr.
Muling namang sasabak sa local election ang aktres na si Angelica Jones, bilang board member ng 3rd district ng Laguna.
Maalala na natalo noon si Jones sa naturang posisyon, subalit iginiit niya na siya ay nadaya.
Ang actor comedian na si Vice-Mayor Herbert Bautista ay tatakbong alkalde ng lungsod ng Quezon.

Recent Comments