Layunin nitong mabigyang linaw kung ano ang magiging status ng hinihiling na gun ban exemption ng Presidential Anti-Smugling Group (PASG) para sa ilang indibidwal.
Batay sa isinumiteng listahan ng PASG sa Comelec, hinihingi nito na bigyan ng karapatang magbitbit ng baril ang ilan sa mga ito tulad nina businessman Danding Cojuangco, National Press Club (NPC) president Benny Antiporda at isang Jose Taruc.
Kahapon lamang, nagpalabas na ng suspensyon ang Comelec sa kapangyarihan ng PASG na magdala ng anumang armas bilang bahagi ng kanilang pinaigting na gun ban campaign habang nalalapit ang halalan.
Pero sa kabila ng suspensyong ito sinabi naman ni Commissioner Herman Z. Basbaño na patuloy silang nakakatanggap ng ulat na may mga armadong personalidad na nagpapakilalang PASG members sa ilang probinsiya at ginagamit naman ng ilang partisan armed groups.
Ang independent commission againts private armies ay binigyan ng kapangyarihan sa ilalim ng Administrative Order 275 na buwagin ang mga private armies sa bansa kasama na ang mga partisan armed groups bago sumapit ang halalan sa Mayo 10, 2010.
Nagharap-harap ngayon ang Commission on Elections (Comelec) at ilang major media groups sa bansa upang resolbahin ang ilang patuparing batas sa pagsasahimpapawid ng mga political related matters.
Partikular na sumentro ang talakayan sa kautusan ng komisyon na maagang isumite ng mga media entity ang kanilang mga logs bago ang actual airing.
Paliwanag ni Comelec spokesman James Jimenez, kailangang makita muna ng poll body ang naturang logs, na siyang pagbabatayan ng pag-audit sa campaign expenditures ng mga kandidato na siya namang nakasaad sa batas.
Nagbabala rin ang Comelec na kanilang papatawan ng kaso ang hindi tatalima sa nasabing kautusan.
Pero agad naghayag ng saloobin ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) sa pamamagitan ng pangulo nito at Bombo Radyo VP at chief operating officer Herman Z. Basbaño.
Ayon kay Basbaño, hindi applicable ang naturang batas sa lahat ng
pagkakataon dahil may mga political issues na biglang lumilitaw at
kailangan ng agarang tugon ng mga kinauukulang pulitiko na hindi naman nakasaad sa logs.
Bukod dito, napakarami rin umano ng mga logs na kailangang isumite ng mga himpilan ng radyo kung ipatutupad ang sinasabi ng poll body.
Dahil sa mga natalakay, nangako ang Comelec na kanilang pag-aralan ang mga argumento ng KBP at iba pang media group na dumalo sa pulong.
ILOILO CITY – Ginbasura sang Commission on Elections (Comelec) 1st division ang disqualification case nga ginpasaka batok kay Mayor Arcadio Gorriceta sang Pavia, Iloilo.
Ang desisyon nga pirmado ni Commissioner Armando Velasco nagapahayag nga kulang sa merit ang amo nga petition batok sa alkalde nga ginpasaka ni Mr. Luis Jaspe.
Ginkonsiderar sang Comelec sa ginpagwa nga desisyon ang kamatuoran nga ginboto sang mga pumuluyo sang Pavia si Gorriceta kag ini ang nagpangalagad bilang alkalde sa sulod na sang anom ka tuig.
Sa petition nga ginpasaka ni Jaspe, gina-question sini ang residency ni Gorriceta bangod sang pag-angkon sini sang balay sa Molo, Iloilo City.
Apang ginpanindugan sang Comelec nga ang record sang alkalde nagapakita nga ini ang naga-estar sa banwa sang Pavia kag ang balay sini sa syudad sang Iloilo indi pamatuod nga wala na ini naga-estar sa ila banwa.
Ginpahayag naman sang abogado sang petitioner nga si Atty. Junie Licera nga magapasaka sila sang motion for reconsideration kasunod sang pinakaulihi nga desisyon sang Comelec sa kaso.
Matapos ihayag kahapon ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Gregorio Larrazabal ang kahandaang magbitiw sa poll body, inamin na rin ni Chairman Jose Melo ang kanilang kasunduang ginawa kung saan nakasaad ang pangakong kakalas sa komisyon kapag pumalpak ang poll automation project.
Ayon kay Melo, matagal na niyang ginawa ang naturang dokumento subalit nahayag lamang matapos aminin ni Larrazabal ang ilang bahagi ng nilalaman nito sa grupo ng mga poll automation critics.
Ayon kay Melo, bagama’t hindi nakasaad sa batas, kusang inisyatibo nila ito at handang gawin ng walang anumang pasubali.
Pero sa kabila ng pangakong ito ni Melo at ng ibang mga opisyal ng poll body, tila hindi pa rin kumbinsido ang grupo ni Father Joe Dizon, isa sa mga automation critics.
Ani Dizon, hindi sapat ang pagbibitiw lamang kundi kailangang managot ang mga pinuno ng Comelec at makasuhan ang mga ito kung hindi magiging maayos ang poll automation project.
BACOLOD CITY – Naglab-ot na sa duha ka trucks ang mga posters ng ginpangkakas sang Commission on Elections (Comelec) sa Bacolod City nga wala sa designated common poster area.
Ini sa duha pa lamang ka operasyon sang Comelec sang nagsugod ang campaign period sa national positions kag mga party-list groups sadtong Febrero 9.
Suno kay Atty. Ryan Castro, election officer sang Bacolod City, indi sila mag-untat sa pagpangkakas sang mga campaign posters sang mga kandidato kag wala man sang pagapasensiyahon kon may yara sang madakpan nga nagapang-tapik sini sa indi designated areas.
Samtang, aminado ini nga indi sa gihapon maapektuhan ang mga kandidato nga tag-iya sang posters bangod indi man ang mga ini ang direkta nga nagapang-tapik kundi ang ila lamang mga supporters.
Sa gihapon, padayon ang pagpahanumdom ni Atty. Castro sa mga kandidato kag mga taga-suporta sini nga sundon ang guidelines sang Comelec sa pagpangampanya.
Labi pa nga maga-bantay ang Comelec kag pasanyugon ang operasyon sa pagsugod sang campaign period sang mga nagapadalagan sa lokal nga posisyon sa Marso 26, sa diin ginapaa-bot ang pagdata pa gid pagpang-tapik sang mga posters sang kandidato sa indi common poster areas.
|
ayuning maingatan ang integridad ng mga botong itatala sa mga balota sa darating na halalan, muling pinalitan ngayon ng Commission on Elections (Comelec) ang porma ng ballot box na gagamitin. Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, mula sa dating transparent box na unang iniharap ng komisyon, ginawa na itong dark na may walong maliliit na transparent windows. Ang maliliit na bintana aniya ay magsisilbing daan upang makita ang pagpasok ng mga balota mula sa Precinct Count Optical Scan (PCOS) machine at kung paano ito mahuhulog sa loob ng kahon. Paliwanag naman ni Commissioner Gregorio Larrazabal, kaya nila muling ginawang dark ang ballot box para hindi ma-expose ang ultraviolet marks na posibleng mawala kung sakaling masikatan ng araw. Aniya, sa pamamagitan ng naturang marka ay madedetermina kung lehitimo ang mga balota sakaling magkaroon ng mga election protest sa hinaharap. |
Inihayag ngayon ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Gregorio Larrazabal na nagtapos na ang manufacturing ng mga Precinct Count Optical Scan (PCOS) machines sa bansang China na gagamitin para sa halalan sa Mayo.
Ayon sa opisyal, handa na ang mga ito at posibleng mai-deliver na sa bansa sa mga susunod na araw.
Isinagawa ni Larrazabal ang pahayag, kasunod ng ipinatawag na pulong balitaan sa Comelec session hall, Intramuros, Maynila.
Pahayag pa nito, 75 porsiyento na ang mga makinang nasa ating bansa habang ang nalalabing mga makina ay kasalukuyang isinasailalim na sa masusing machine test.
Tiniyak nito na matatapos ang delivery bago mag Pebrero 21, habang sa Pebrero 22 naman ang deadline na itinakda ng Comelec, base sa nilagdaang kontrata.
Upang lubos na mapabilis ang isinasagawang pag-imprinta ng mga balota, gagawin na ng National Printing Office (NPO) ang proseso ng 24 oras simula sa araw ng Biyernes.
Ayon kay NPO Dir. Servando Hizon, gagawin nila ito base na rin sa derektiba ng Comelec upang makasunod sa timeline ng poll automation preparation.
Tinataya kasing tatagal ang printing ng 60-70 araw, kung saan magtatapos ang proseso sa kalagitnaan ng Abril.
Sa ngayon, maayos umano ang itinatakbo ng isinasagawang ballot printing, gamit ang makinang Versamark 4000 na mula pa sa bansang Canada.
Base sa standard ng pasilidad, kaya nitong makapaglimbag ng 700,000 balota sa loob ng isang araw.
Inihayag naman ng Comelec na kahit gawing 24 oras ang printing process ay mananatili itong monitored at hindi masasakripisyo ang kalidad ng mga balota.
Inihayag ngayon ng Commission on Elections (Comelec) na matagumpay ang isinagawang unang araw ng official ballot printing o ang mga gagamitin sa kauna-unahang nationwide automated elections.
Ayon kay Comelec Commissioner Gregorio Larrazabal, base sa impormasyong ipinalabas ng National Printing Office (NPO), nakapaglimbag sila ng 700,000 balota sa maghapon.
Inuna umano ng NPO ang mga balota mula sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
Paliwanag nito, mas mahahaba kasi ang balota sa naturang lugar dahil sa bilang ng kanilang mga nakatalang kandidato.
Bagama’t may mga pagkakataon umanong pansamantalang humihinto ang kanilang mga makina nitong mga nagdaang araw, maayos naman umano ang ipinakita ng mga ito ngayong araw.
Pero kung maaaring tingnan ng mga observer ang aktwal na printing nitong nagdaang linggo, mas mahigpit na ngayon ang NPO kung saan sa monitoring room na lamang mapapanood ang paglimbag ng mga balota.
Maging ang PNP at NPO security ay mas mahigpit na rin, bukod sa pagdaragdag ng kanilang mga tauhan kumpara sa dating bilang ng mga ito.
Tiniyak ngayon ng Commission on Elections na wala nang aberya para sa isasagawang mock election bukas sa bansa.
Inihayag ni Comelec Commissioner Gregorio Larrazabal sa ginawang pagdinig ng Joint Congressional oversight committee on automated election na ang pagdadaos ng mock election sa siyam na lugar sa bansa ay upang matukoy kung ano ang maaaring problema sa kauna-unahang automated na halalan sa bansa.
Napag-alaman na tatlong lugar sa Metro Manila habang tig-dalawa naman sa Baguio City, Cebu at Davao City ang napili ng Comelec na magkakaroon ng dry run sa pagboto, canvassing at transmission ng mga boto.
Samantala, inihayag naman ni Comelec Law Department head Atty. Ferdinand Rafanan na kasabay ng pangamba ng pagpasok umano ng cellphone jammers sa bansa upang isabotahe ang darating na halalan, pinag-iisipan din nila na gumamit ng cellphone jammer sa isasagawang mock election upang malaman kung may epekto ito sa proseso ng halalan.
Samantala, pinag-aaralan na rin ng Comelec ang pagpapalabas ng en banc resolution para sa maagang halalan sa ibang lugar sa bansa partikular ang mga tinukoy na hotspots.
Inihayag ni Rafanan na dahil sa bigong maipasa ang Early Voting Bill sa Kongreso matapos hindi naihabol dahil sa kawalan ng qourum, nag-suhestyon si Rep. Rufus Rodriguez ng Cagayan de Oro, na magpalabas na lamang ng resolusyon ang Comelec en banc.
Sa nasabing resolusyon, tutukuyin lang umano ng Comelec ang mga lugar na dapat magsagawa ng maagang halalan.
Ayon pa sa opisyal, maaaring mapabilang din sa resolusyon ang early voting para sa mga miyembro ng media.
Ngunit kailangan muna aniya na makompleto ang mga requirements para sa maagang pagboto ng mga miyembro ng media.
Kaugnay nito, tatapusin na ng Comelec bukas ang isinasagawang double-checking sa pinal na listahan ng mga kandidato para sa 2010 election.
Ayon sa komisyon, matapos na na-publish sa mga pahayagan noong Enero 27 ang pinal na listahan ng mga kandidato, muli umano nila itong nirepaso upang matugunan ang ilang mga mali na nakuha mula sa feedback ng publiko.
Kapag natapos na aniya ang double-checking bukas, mailalabas na nila ang pinal na listahan ng mga kandidato para sa darating na halalan.



Recent Comments