Inihayag ngayon ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Gregorio Larrazabal na nagtapos na ang manufacturing ng mga Precinct Count Optical Scan (PCOS) machines sa bansang China na gagamitin para sa halalan sa Mayo.
Ayon sa opisyal, handa na ang mga ito at posibleng mai-deliver na sa bansa sa mga susunod na araw.
Isinagawa ni Larrazabal ang pahayag, kasunod ng ipinatawag na pulong balitaan sa Comelec session hall, Intramuros, Maynila.
Pahayag pa nito, 75 porsiyento na ang mga makinang nasa ating bansa habang ang nalalabing mga makina ay kasalukuyang isinasailalim na sa masusing machine test.
Tiniyak nito na matatapos ang delivery bago mag Pebrero 21, habang sa Pebrero 22 naman ang deadline na itinakda ng Comelec, base sa nilagdaang kontrata.
Tiniyak ngayon ng Malacañang na hindi mangyayari ang malawakan at mahabang brown-out tulad noong 1992 sa harap ng nakaambang pagtataas sa presyo ng koryente.
Sinabi ni NEDA director Dennis Arroyo, tinugunan ng EPIRA Law ang pangangailangan sa supply ng koryente kaya hindi na kakailanganin ang nuclear power plant at ang mahal na emergency barges.
Ayon naman kay Presidential Deputy Spokesman Gary Olivar, handa ang gobyerno na pangunahan ang kampanya para sa pagtitipid ng koryente.
Pero sa ngayon umano, naniniwala ang Palasyo na hindi lalala ang problema.
Tiniyak din ng Palasyo na nakahanda ang emergency measures para madagdagan ang supply ng tubig dulot ng El NIño.
Magugunitang ang tubig ay isa sa mga kailangan sa produksyon ng koryente sa bansa partikular sa mga dams.
Tiniyak ng Malacañang na handa ang Pangulong Arroyo na harapin ang anumang kaso o ibubunga sa kanyang popularidad ang magiging desisyon nito sa pagtatalaga ng bagong chief justice kapalit ni Reynato Puno.
Si Puno ay nakatakdang magretiro sa May 17 pero ngayon pa lamang ay mainit ng pinagdedebatehan kung maaring mag-appoint ang Pangulo ng bagong chief justice sa kabila ng Comelec ban.
Sinabi ni Presidential Deputy Spokesman Gary Olivar, pangunahing konsiderasyon ng Pangulo ang kabutihan ng mayorya ng mga Pinoy.
Ayon kay Olivar, handa ang chief executive na harapin ang anumang kaso o kahit pa lalong bumagsak ang kanyang popularity rating dahil mas mangibabaw umano ang kanyang responsibilidad at national interest sa isyu.
Sa ngayon, hindi pa naisusumite ang shortlist ng mga nominado ng Judicial and Bar Council (JBC) na pagpipilian ng Pangulo ng ipapalit kay Puno.
Pero iginigiit ng Palasyo ang posisyon nina Senate Pres. Juan Ponce Enrile, former Justice Secretary Artemio Toquero at Philippine Constitution Association (Philconsa) na maaring punan ng Pangulo ang bakante sa Supreme Court kahit wala pang isinusumite ang JBC na shortlist.
Handa na ang 5,000 satellite device ng Smartmatic-Total Information Management (TIM) na magsisilbing alternatibong pasilidad para sa transmission ng mga datos sa nalalapit na May 2010 elections.
Ayon kay Smartmatic spokesman Gene Gregorio, bagama’t hindi pa tapos ang kanilang ginagawang site survey sa ilang lugar sa bansa, kailangan na nilang ihanda ang nasabing mga pasilidad upang hindi na maging problema sa mismong araw ng halalan.
Magugunitang una nang inihayag ng Commission on Elections (Comelec) at Smartmatic na 87 percent pa lang ang naisasalang nila sa survey habang 65% lang dito ang natutukoy na may signal para sa data transmission.
Layunin ng nasabing survey na maditermina kung alin sa mga lalawigan sa Pilipinas ang may transmission capability upang agad maipadala ang resulta ng eleksyon.
Hinikayat ngayon ng International Labor Organization (ILO) ang gobyerno ng Pilipinas na resolbahin sa lalong madaling panahon ang Maguindanao massacre.
Magugunitang marami sa mga nasawi ay media practitioners na miyembro din ng labor sector.
Ginawa ng ILO ang pahayag kasabay ng ginawang National Tripartite Conference na dinaluhan ni Executive Sec. Eduardo Ermita.
Sinabi ni Sonny Matula, presidente ng Federation of Free Workers, dapat gumawa ang gobyerno ng mga tunay na hakbang at hindi papogi lamang.
Ayon kay Matula, handa rin ang ILO na tumulong sa imbestigasyon sa pamamagitan ng technical assistance ng European Union.
Sa nasabing three-day conference, tinalakay ang kapakanan ng mga manggagawa, trade unionism at proteksyon mula sa anumang karahasan.
BACOLOD CITY – All set na ang talatapan sang Commission on Election (COMLEC) Bacolod para sa filing sang Certificate of Candidacy (COC) sumugod subong nga adlaw, Nobyembre 20 kag magatapos sa Disyembre 1.
Suno kay Atty. Ryan Castro, ang election officer sang COMELEC Bacolod handa na ang ila election assitants sa pagbaton sang COCs sang mga kandidato.
Impunto las 8:00 sang aga nagbukas na ang talatapan sang COMELEC kag handa na ang tanan nga personnel kag mga pormas nga kinahanglanon sa filing.
Nagalaum si Atty. Castro nga mangin matalunsay ang filing sa diin may ginpaguwa nga guidelines ang COMELEC sa proceso sang filing kag ginalauman nga ini ang na intiendihan sang mga kandidato.
Ginpanugyanan lamang sini ang mga kandidato nga kompletuhon na ang mga kinahanglanon nga documento ukon papeles sa pag file antes magpadulong sa ila talatapan.
Ginalauman nga diutay pa lang ang maga file sang COC sa una nga mga adlaw kasubong sang kinaandan.
Samtang temprano man nga nagbukas ang provincial COMELEC office sang Negros Occidental kag nakahanda sa pag akomodar sa mga maga file sang COCs.
Sa pihak nga bahin ginalauman ni Atty. Castro nga madula na ang disqualification cases bangod sa pre-mature campaigning kon maaprobahan na ang amendments sang Omnibus Election Code.
Ini bangod isa sa ginaduso nga amendments amo ang pagpahanugot sa mga politiko nga magkampanya apisar wala pa ang campaign period.
GENERAL SANTOS CITY – Handa na ang seguridad ng pagdating ni world champion Manny Pacquaio lalo na ang gagawing hero’s welcome para sa kampion ngayong araw na Sabado.
Ayon pa kay acting provincial director Police Superintendent Henry Dazo, isang Operation Plan ang kanilang inilatag para sa seguridad ng tinaguriang national treasure ng bansa.
Mula ng Gensan airport didiretso ang motorcade patungong oval gym kung saan doon isasagawa ang isang press conference bago pa man didiretso ng Sarangani Province. Sa nasabi ring lugar ay may isasagawang presscon sa araw ng Linggo.
Tiniyak ngayon ni Philippine Ambassador to Iran Generoso Senga na nasa mabuting kalagayan ang mga Pinoy sa kabila ng kaguluhan doon mula ng sumiklab ang pag-alsa ng mga raliyesta dahil sa alegasyon ng dayaan sa halalan.
Ayon kay Senga, wala namang Pinoy na sumasali sa mga kilos protesta kaya tiwala silang hindi masasangkot sa anumang karahasan ang ating mga kababayan.
Dagdag pa ni Senga, buo na ang kanilang planong paglikas kung sakaling iigting pa ang tensyon sa pagitan ng mga demonstrador at ng pamahalaan.

Recent Comments