Posted by Pinoy Balita on September 10, 2010
Kaagad nagpahayag ng kanyang papuri ang TV host/actress na si Kris Aquino para sa pagharap ng kanyang kapatid na si Pangulong Noynoy Aquino sa panel interview sa Malacañang. Ito ay may kaugnayan pa rin sa madugong hostage crisis noong August 23 kung saan walong Hong Kong tourists ang nasawi. ?€?Watching PNoy now in Harapan.
Posted by Pinoy Balita on September 9, 2010
ENGLAND – Pinasinungalingan ngayon ni dating IBF light welterweight champion Ricky Hatton ang mga balitang tuluyan na nitong isinabit ang kaniyang boxing gloves at magreretiro na sa sports na boxing. Sa isang pahayag ni Hatton, sinabi nitong pinakamalaki at pinaikot lamang ng mga tao ang naging pahayag nito noong nakaraang linggo patungkol sa plano nito sa kaniyang boxing career. “I’d like to clarify the position with regards my boxing career once again. As usual, one sentence out of many can take a conversation out of context, and until you hear it officially from the horses’s mouth, I am not retired! I have renewed my licence and if I wake up one day and the urge is there, you’ll be the first to know,” paglilinaw ni Hatton. Sa huling laban ni Hatton, nakalasap ito ng 2nd round TKO sa kamay ni Manny Pacquiao
Posted by Pinoy Balita on September 4, 2010
Umakyat na sa 43 ang bilang ng mga kataong nasawi habang 78 ang sugatan sa nangyaring pagsabog sa isinagawang rally sa Pakistan. Ayon sa ulat, matapos ang pagpapasabog ay kaagad itong sinundan ng putukan ng baril. Nabatid na isang Palestinian solidarity march na inorganisa ng Shia Muslim students ang binulabog ng pagsabog.
Posted by Pinoy Balita on August 19, 2010
Magkahalong pagkadismaya at lungkot ang nararamdaman ng singer na si Dingdong Avanzado sa mga balitang naglabasan na nagkakalabuan na sila ng asawang si Jessa Zaragoza. “‘It’s sad because there are certain things na parang siguro may nakita or something tapos binibigyan ng meaning. Alam mo naman sa showbiz.
Posted by Pinoy Balita on August 16, 2010
SAN BERNARDINO, California — Walo katao ang patay habang sugatan naman ang may 12 iba pa ng araruhin ng isang off-road racing truck ang mga nanonood ng karera sa Mojave Desert. Ayon sa report, kakaumpisa pa lamang ng California 200 Race ng maganap ang aksidente
Posted by Pinoy Balita on August 11, 2010
Kasunod ng pag-amin ng TV host na si Willie Revillame na nais nitong ipatanggal ang co-host na si Pokwang sakaling nakabalik siya sa kanyang noon time show, inamin naman ni Pokwang na nagtatampo ito. Sinasabing nagkalamat ang relasyon ng dalawa noong kasagsagan ng kampanya kung saan magkaiba sila ng kandidato. Naging matipid si Pokwang sa kanyang pahayag kung saan sinabi lamang nito na sumobra ang mga pagtira sa kanya ni Willie sa kanilang show.
Posted by Pinoy Balita on August 8, 2010
WASHINGTON – Pormal nang nanumpa ang bagong Supreme Court associate justice sa Amerika na si Elena Kagan, 50-anyos.
Posted by Pinoy Balita on August 7, 2010
Nilinaw ngayon ng Philippine Airlines (PAL) na walang kinalaman sa naging problema sa mga nagbitiw na piloto ang kanilang hakbanging pagbabawas ng mga domestic flights. Magugunitang kamakailan ay naging malaking usapin ang pangingibang bansa ng 25 piloto ng flag carrier ng bansa dahil sa kakulangan ng pilotong magpapalipad ng mga pampasaherong eroplano. Batay sa opisyal na pahayag ng kompaniya sa pamamagitan ni PAL president at chief operating officer (COO) Jaime Bautista, nagbawas sila ng mga byahe dahil sa pagpasok ng “lean season.” Ang lean season anila ay magsisimula sa Agosto 9 at magtatapos sa Nobyembre 30, 2010, kung saan napakadalang ng mga bumabyahe
Posted by caroljoy on February 26, 2010
Bagama’t malaking hamon, determinado ang Zenarosa Commission na pag-ibayuhin pa ang kampanya laban sa mga private armed groups sa bansa habang nalalapit ang halalan sa buwan ng Mayo. Ginawa ni retired Justice Monina Zenarosa, chairperson ng Commission Against Private Armies ang pahayag kasunod ng pagdalo sa pagpirma ng peace covenant ng mga political leaders sa Lanao del Sur. [...]
Posted by caroljoy on February 10, 2010
Inihayag ngayon ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Gregorio Larrazabal na nagtapos na ang manufacturing ng mga Precinct Count Optical Scan (PCOS) machines sa bansang China na gagamitin para sa halalan sa Mayo. Ayon sa opisyal, handa na ang mga ito at posibleng mai-deliver na sa bansa sa mga susunod na araw. Isinagawa ni Larrazabal [...]