BUTUAN CITY – Na-alarma karon ang katawhan ning siyudad sa Butuan og lalawigan sa Agusan del Norte human gikumpirma sa usa ka 16-anyos nga bayong-bayong ang iyang pagkadagit uban sa laing wala mailang lalaki kondiin gisulod sila sa container van og gidala padulong sa Surigao City.
Ang biktimang nagpatago lang sa tinuod nga pangalan nga taga-Brgy. 7, Cabadbaran City, malampusong naka-ikyas gikan sa gikargahan kanilang van dihang nakatulog ang nagbantay kanila og nahuong niya ang yawe sa kandadong maoy gisira sa kadena sa maong sakyanan.
Sa eksklusibong pakighinabi ning sibyahan, iyang gibutyag nga gisugo siya sa iyang inahan pagpalit og gatas pasado alas 9:00 ning mi-aging gabii dihang duha ka lalaki ang miduol kaniya dayong bukot og panapton sa iyang nawong.og gisakay siya sa van.
Kaadlawon na pagkasunod adlaw nakagawas sa container van ang bayong-bayong human kini niya malampusong na-ablihan dayong sibat padulong sa kabalayan og biniyaan ang laing biktima nga luya na.
Didto na niya nasayrang anaa na sila sa Brgy. Lipata sa Surigao City og aron lang makapa-uli og balik sa ilang pinuy-anan, gibaligya sa biktima ang iyang cell phone sa usa ka gatus ka pesos lang diin nagpangurog pa siyang gisugat sa iyang mga ginikanan.
Saysay sa biktima, nangatawa matud pa ang mga lalaking midagit kanila tungod kay dakong kwarta na usab ang ilang ma-angkon.
Inatasan ngayon ng Department of Justice (DoJ) ang Bureau of Immigration (BI) na ilagay na sa watchlist ang pangalan ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson.
Ani Justice Secretary Agnes Devanadera, matagal na dapat sa watchlist ang pangalan ng senador matapos itong sampahan ng kasong double murder dahil sa pagkakasangkot sa pagpatay sa dating PR man na si Salvador Dacer at driver nitong si Emmanuel Corbito.
Ayon pa kay Devanadera, inaasahan nilang magpapalabas na ng arrest warrant laban kay Lacson ang korte.
Tatagal naman ng 60 araw ang pangalan ng senador sa watchlist ng Bureau of Immigration.
Magugunitang mistulang “na-wow mali” kanina si Immigration Commissioner Marcelino Libanan nang sabihin nitong nasa watchlist na nila si Lacson.
Ngunit agad itong binawi ng BI at nilinaw na ang tinutukoy ni Libanan ay ang murder suspect na si Jason Ivler.
Batay sa record ng Bureau of Immigration, Enero 5 pa umalis ng bansa si Ping patungong Hong Kong.
Inamin ngayon ni Lacson na siya ay nagtatago dahil sa harassment umano sa kanya ng DoJ sa utos na rin ng Malacañang.
Ito aniya ang dahilan kung bakit umalis siya ng Pilipinas bunsod ng kanyang seguridad at kaligtasan dala ng tinawag niyang ”evil conspiracy.”
Hindi umano niya papayagan na makita siya ng Pangulong Arroyo at mga kapanalig na miserable ang kanyang buhay at nasa panganib.
Depensa pa ni Lacson na ang kanyang pag-iwas ay hindi nangangahulugan na siya ay guilty sa kaso.
“As I had correctly suspected, the harassment by the DOJ upon the order of Malacañang will never stop. That’s exactly the reason why I left the country. I am a victim of a conspiracy of whispers between Mrs. Arroyo and her stooge in the Department of Justice… For now, my concern is my own personal safety and security. I will not allow Mrs. Arroyo and her cohorts in the DOJ the pleasure of seeing my life miserable and in danger,” ani Lacson sa kanyang statement.
Hindi naman nabanggit ng senador kung saang bansa siya nagtatago upang umiwas sakaling maglabas ng warrant of arrest laban sa kanya.
Naglabas ngayon ng bagong derektiba ang Commission on Elections (Comelec) sa National Printing Office (NPO) para baguhin ang disenyo ng gagamiting balota sa May 2010 elections.
Ayon kay Comelec Commissioner Gregorio Larrazabal, bahagi ito ng kanilang napagkasunduan sa ginawang en banc session.
Aniya, layunin nitong ma-maximize ang espasyo ng papel na magsisilbing balota.
Inamin din ng Comelec na bahagi ng kanilang security measure ang pagpapalit ng ballot form.
Dahil dito, mula sa patayong disenyo, magiging pahalang na ito ngayon.
Inaasahang masisimulan ang printing ng official ballot sa darating na Pebrero 7, 2010.
Nauna ng ipinagpaliban nitong Linggo ang pagsisimula ng printing ng official ballot.
Nauna ng sinabi sa Bombo Radyo ni Commissioner Rene Sarmiento na hindi pa naisasapinal ng Comelec ang listahan ng mga pangalan ng mga partido at kandidato kaya naipagpaliban ang printing ng mga balota.
Kahit pa nabalam aniya ang pag-imprenta hindi naman ito makakaapekto sa timetable na unang itinakda ng komisyon.
Para naman kay Comelec spokesman James Jimenez, sinabi nito na baka maging isyu na naman ang dayaan kung gagawin ng maaga ang pag-imprenta ng mga balota.
KORONADAL CITY- Ginkumpirmar ni Buluan Vice Mayor Ismael “Toto” Mangudadatu nga nakabaton siya sang pagpamahog sa iya nga kabuhi sa paagi sang mga text messages.
Ginpahayag sa Bombo Radyo Koronadal ni Mangudadatu nga madamu na ini ka beses nga nakabaton sang mga text messages nga ginalakipan sang pagpamahog sa iya nga kabuhi kag may mga nakabutang pa nga pangalan sang mga pulis nga ginapatihan nga Absent Without Leave ukon AWOL nga nagikan sa mga banwa sang Mamasapano, Saudi Ampatuan kag Datu Hoffer nga luyag siya nga patyon.
Suno kay Mangudadatu, ginahibalu na sa subong sang Criminal Invetigation Group ukon CIDG kun matuod ang nasambit nga mga mensahe kag gina-imbestigaran ang mga nakabutang nga pangalan sang anom ka mga pulis nga ginapatihan nga naka-AWOL.
Kadungan sini, nag-apela si Mangudadatu sa gobyerno nga dugangan ang iya nga seguridad kadungan sa iya ginabaton nga mga pagpamahog sa kabuhi.
Samtang, ginpahayag man sini nga nakabaton man siya sang mga mensahe nga plano nga pahilwayon si suspended Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr.
TUGUEGARAO CITY – Patay ang limang taong gulang na batang babae matapos siyang aksidenteng mabaril ng 11-anyos na batang lalaki sa bayan ng Rizal, Cagayan.
Sa report ng Bombo Radyo Tuguegarao, tinawag ang biktima sa pangalan lamang na Angel, habang ang suspek ay si alyas Totoy, kapwa mga residente ng Brgy. Batu, Rizal.
Sa pagsisiyasat ng mga otoridad, naglalaro umano ang batang babae sa loob ng kanilang bahay ng tamaan ito ng bala ng isang air gun na nilalaro ng suspek.
Agad na isinugod sa Tuao District Hospital ang biktima at inilipat sa Cagayan Valley Medical Center sa Tuguegarao subalit dito na ito binawian ng buhay.
Samantala, ipinasakamay na sa Municipal Social Welfare Development ng Rizal ang nakapatay na binatilyo.
GENERAL SANTOS CITY–Padayon pa nga giimbestigahan sa kapulisan ang natigayong pagpamusil sa miaging gabii sa Malok, Labangal ning syudad sa Heneral Santos.
Ang biktima ang nailhan sa pangalan nga si Alexander Banac, 21 anyos nga residente sa Malok gihapon.
Natigayon ang pagpamusil sa dihang migawas ang biktima gikan sa videokihan og gipusil sa tawong nakasakay sa motorsiklo.
Gidala gilayon sa ospital ang biktima apan nakabsan gihapon sa kinabuhi.
Gikabutyag nga ang biktima ang igo sa bala wala nga bahin sa ulo og milahos pa kini.
Padayon pa nga giimbestigahan kung unsa ang motibo sa kremin og responsable sa pagpatay sa biktima.
Matapos ang masusing pag-aaral ng Commission on Elections (Comelec) sa mga apela ng mga na-diskwalipikang kandidato sa pagka-pangulo, pangalawang pangulo at senador, anim na pangalan ang idinagdag ngayon ng komisyon bilang karagdagang mga qualified candidates.
Sa inilabas na 26 na pahinang resolution 8743, nadagdag sa pagka-pangulo sina Vetallano Acosta at Nicanor Perlas.
Wala namang karagdagang pangalan na nalagay para sa pangalawang pangulo habang apat sa pagka-senador.
Kabilang sa mga kandidato sa pagka-senador sina Danilo Lim, Emilio “Lito” Osmeña, Nanette Espinosa at Adz Nikabulin.
Ayon sa Comelec, ito na ang pinal na listahang mailalagay sa official ballot na ii-imprenta para sa darating na May 2010 national elections.
Una nang inilabas ng Comelec ang mga kwalipikadong kandidato sa pagka-pangulo sa 2010 election na kinabibilangan nina Nacionalista Party standard bearer Sen. Manny Villar, Sen. Noynoy Aquino (Liberal Party), Joseph Estrada (Puwersa ng Masang Pilipino), JC Delos Reyes (Kapatiran) Richard Gordon, Jamby Madrigal, Gilbert Teodoro (Lakas-KAMPI-CMD) at Eddie Villanueva ng Bangon Pilipinas Movement.
Ang mga kwalipikadong vice presidential candidate ay sina Makati Mayor Jejomar Binay (PMP), Dominador Chipeco, Bayani Fernando, Loren Legarda (Nationalits People’s Coalition), Edu Manzano (Lakas-KAMPI-CMD), Sen. Mar Roxas (LP), Jay Sonza at Perfecto Yasay ng Bangon Pilipinas.
Una rito, umaabot sa 99 ang nagsampa ng certificate of candidacy (CoC) na gustong maging pangulo ng bansa habang 20 naman ang naghain ng kandidatura para sa pangalawang pangulo.
Sa report ni Bombo Jun Desca mula sa loob ng courtroom, sumalang umano sa witness stand si Sangki, bilang isa sa mga testigo ng prosekusyon.
Naging detalyado din ang mga impormasyon na isiniwalat ni Sangki sa korte, kabilang dito ang pagplano hanggang sa mismong pag-execute ng masaker.
Ayon kay Sangki na kamag-anak din ng mga Ampatuan, magkasama umano sila ni Mayor Andal ng harangin ang convoy ng mga biktima.
Dinig na dinig umano ni Sangki mula sa two-way radio na hawak ni Andal Jr. ang pahayag ng ama nito kung ano ang gagawin sa mga biktima.
Dagdag din sa testimonya nito ang mga impormasyon sa mga armas na ginamit sa masaker at ang pangalan ng iba pang sangkot sa krimen.
Samantala, kapansin-pansin naman ang tila kawalan ng interes ng pangunahing suspek na si Ampatuan, Jr. sa ginagawang paglilitis sa kaniyang kaso.
Makailang beses pa umanong humikab at iiling-iling ito sa kalagitnaan ng mga salaysay ng mga testigo upang ipakita na kinonkontra ang pagdiin sa kanila.
Inatasan ngayon ng Korte Suprema na panatilihin ang grupong ‘Ang Ladlad’ sa listahan ng mga accredited partylist group sa darating na halalan.
Sinabi ni Atty. Jose Midas Marquez, spokesman ng Supreme Court (SC) hindi pa dapat tanggalin sa listahan ng mga partylist groups ang ‘Ang Ladlad.’
Ito ay kailangan pa umanong dinggin ang kaso at kung sa pagdinig ay lumabas na karapat-dapat na isama sa party list ang gay-lesbian group ay mahirap na ibalik kapag wala ang pangalan ng nasabing grupo.
“Sa Enero 25 ang imprenta ng balota at wala dito ang Ang Ladlad partylist, para hindi masayang ang balota ay ipinalalagay na ng SC ang pangalan nila. Mas madali kasi na alisin kaysa isama pa sa balota,” paliwanag ni Maquez.
Samantala, labis namang ikinatuwa ng chairman ng Ang Ladlad na si Professor Danton Remoto sa pagkatig sa kanila ng Korte Suprema.
Matatandaang nabigo ang third sex group na kumbinsihin ang Commission on Elections (Comelec) second division sa kanilang apelang muling maisama ang pangalan ng grupo sa listahan ng mga partylist na makakasali sa 2010 elections.
Ayon kay Comelec Comm. Nicodemo Ferrer, pawang mga lumang argumento ang inilahad ng ‘Ang Ladlad’ kaya hindi nila ito maaaring paboran.
CAGAYAN DE ORO CITY- Diriyot magpatay ang mag-amahan nga residente diha sa Balingasag,Misamis Oriental.
Kini human nagkarambola ang duha gumikan sa panagbikil sa maong dapit.Giila ang biktima nga si Rogelio Abucayan, 60 anyos samtang wala usab gikabutyag sa mga otoridad ang pangalan sa anak niini.
Nakaangkon sa samad sa agtang ang biktima ug nahiwa pa ang kamot niini tungod sa pag-inilogay nila sa mahait nga sundang sa anak nga suspek.
Milusad pa sa dugang pakisusi ang mga otoridad kabahin sa maong insidente.

Recent Comments