Yemeni national, pinalaya na sa Bukidnon

ZAMBOANGA CITY – Makalipas ang 10 araw na pagkakabihag, pinalaya na rin sa Bukidnon ang Yemeni national  na naunang dinukot noong January 29, 2010 sa Barangay Matampay, Marawi City.

Sa impormasyong nakarating sa Bombo Radyo mula sa Western Mindanao Command (Westmincom) pinalaya umano si Najibal al-Udayni kaninang alas tres ng madaling araw sa boundary ng bayan ng Talakag, Bukidnon at Tagoloan II.

Mula umano sa bulunbunduking bahagi ng Lanao del Sur ang biktima.

Naging instrumento sa paglaya ng Arabo ang operational uniit ng 103rd brigade at 65th Infantry Battalion gayundin si Rep. Faisa Dumarpa.

Sa ngayon nasa custody na ng mambabatas si Udayni habang sumasailalim sa medical treatman sa Cagayan de Oro City.

Si Al-Udayni ay miyembro ng World Assembly of Muslim Youth na tumutulong sa pagpapatayo ng mga proyekto sa Mindanao.

Lumutang din ang isyu na wala umanong maglakas-loob na magtestigo ngunit nitong nakaraang araw may lumabas na report na humihingi ng $1 million ang mga suspek kapalit ng kalayaan ng bihag. Ayaw naman itong kumpirmahan ng mga otoridad.  (AMS)

Ab Workouts

Leave a comment

0 Comments.

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.