Zero-tariff sa trigo at semento, extended – DTI

Pinalawig pa ng gobyerno ang ipinapatupad na zero-tariff scheme sa mga inaaangkat na trigo at semento mula sa ibang bansa.

Ayon kay Trade Sec. Peter Favila, palalawigin pa ng anim na buwan ang zero-tariff scheme sa semento at trigo.

Bagama’t malaki aniya ang epekto nito sa kinikita ng gobyerno, mas matimbang naman ang pakinabang nito sa mga konsumidor.

Noong Nobyembre 2008 nang magpalabas ng kautusan ang Malacañang na tanggalin ang sinisingil na taripa sa inaangkat na trigo at semento at noong nag-lapse ang nasabing kautusan noong Hulyo 2009, muling nagpalabas ng Executive Order ang Palasyo na palawigin ito ng anim na buwan na nagtapos noong nakaraang Enero.

Napag-alaman na bago pa man ipinataw ang zero-tariff scheme sa semento at trigo, tatlong porsiyento ang sinisingil na taripa sa pag-angkat ng nasabing produkto.

Ab Workouts

Leave a comment

0 Comments.

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.